Pain #3
Inanna's POV
Dismissal na.
Nandito lang ako sa waiting shed.
Inaantay ko kasi si daddy. Susunduin niya raw kasi ako e.
Tumingin ako sa wristwatch ko.
6:15 pm na. Kanina pang 5 pm 'yung dismissal.
Bakit ang tagal ni daddy?
Baka nagkaemergeny lang sa opisina.
Lalala~
Tumingin ulit ako sa relo ko.
7:30 pm na.
Di pa nagtetext si daddy sa akin. Ang tagal niya naman.
"Ma'am, magsasara na po ang school." sabi ng guard.
Napatingin ako sa relo ko.
9:30 pm na pala. Oo nga, magsasara na.
"Sige po Kuya." tumayo na ako at lumabas ng gate.
Saktong paglabas ko at pagsara ng gate ng school, ay ang pagbuhos ng malakas na ulan.
Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.
Napaupo ako sa sahig dahil sa sakit ng nararamdaman ko.
Nag-antay ako kay daddy. Bakit hindi siya dumating? o kaya naman, bakit hindi niya man lang siya nagtext na hindi siya makakarating?
Nag-antay lang ako para sa wala.
Ang sakit lang talaga.
Bakit ba ganito silang lahat?
Hobby ba nilang saktan ako?
Napayakap ako sa sarili ko dahil nararamdaman ko na ang lamig.
Basang-basa na ako. Pati ang mga gamit ko, basang-basa na rin.
Tumayo na ako at nag-antay ng taxi.
Nakauwi ako sa bahay ng 11 pm. 10:30 na kasi 'nung nakasakay ako ng taxi.
Pagkarating ko sa sala, napatingin silang lahat sa akin.
"Buti naisipan mo pang umuwi." sabi ni Kuya Vishnu saka siya nagsmirk.
Tumaas ang kilay ni mommy nang makita akong basang-basa.
"Bakit ngayon ka lang Inanna? Ha? Nagpaulan ka pa! Nababasa ang sahig! Pumunta ka na sa kwarto mo!" sermon na naman ni mommy.
Akala ko nag-aalala siya sakin dahil baka magkasakit ako. 'Yun pala 'yung sahig ang inaalala niya.
Bago umakyat, sinulyapan ko muna si daddy.
Ang sakit :'(
Deretso lang siyang nakatingin sa TV at parang walang inaalala.
Anong ibig sabihin 'nun?
Nakalimutan niya bang sunduin ako sa school?
Umakyat na ako papunta sa kwarto ko at saka naligo. Pagkatapos magbihis, humarap ako sa salamin.
"Nakakaawa ka Inanna. Walang nagmamahal sayo..." sabi ko sa sarili ko.
Nag-uunahang tumulo ang mga luha ko.
Hanggang kailan?
Hanggang kailan nila gagawin ang pananakit sa damdamin ko?
Araw-araw na lang ganito.
Sa school, sa bahay.
Saan pa ba?
Pinunasan ko ang luha ko. Inayos ko ang sarili ko at saka bumaba.
Si daddy na lang ang nasa sala. Baka tulog na sina mommy.
"Daddy, bakit nga po pala hindi mo ako nasun----" pinutol niya ang sinasabi ko.
"Matutulog na ako." sabi niya saka tumayo.
Sinundan ko lang siya ng tingin sa pag-akyat niya.
Ramdam ko 'yung lamig ng pakikipag-usap niya sa akin.
Bakit ganun si daddy? Hindi naman siya ganun dati e.
*sigh*
Pumunta ako sa kusina. May nakita akong papel na nakamagnet sa pintuan ng ref. Kinuha ko iyon.
Inanna,
Late ka na kasi umuwi kaya natambakan ka na ng hugasin. Hugasan mo 'yan! Paggising ko dapat malinis na ang lababo.
Sa handwriting pa lang, kilala ko na kung sino ang nagsulat nito.
Si mommy.
Hindi talaga ako makakatakas sa mga utos nila.
*sigh*
Nagsimula na akong maghugas ng pinggan. Habang naghuhugas, isang mukha ang lumitaw sa aking isipan.
Namimiss ko na siya.
Bakit kasi siya pa? Hindi na lang ako.
Nakakainis.
Siguro kung ako ang nasa kalagayan niya noon, iba 'yung pakikitungo ng pamilya ko ngayon.
*sigh*
Namimiss na kita...
Ate.
Pagkatapos maghugas, umakyat na agad ako papunta sa kwarto ko.
Hinalungkat ko ang mga kahon sa cabinet. hanggang sa nakita ko ang sulat niya.
Binasa ko ito.
Inanna,
Baby! Kamusta ka na? Pinagbabawalan ka bang pumunta rito? Namimiss na kita. Nalulungkot ako kasi wala ka. Sana bisitahin mo ako ah? I love you baby!
Hindi ko namalayan, nag-uunahan na pala sa pagtulo ang mga luha ko.
(A/N: Waaah! So sad :( HOHO! Slow update noh? Pasensiya po~ Message niyo po aketch if you want dedic :D Free lang XD Oyoy guys! I badly need your comments T^T Inanna at the side ----> She's sad :'( )
YOU ARE READING
Pain and Love [COMPLETED BUT STILL EDITING TYPOS]
Teen FictionPAIN and LOVE are always related. Love causes pain. Love hurts. Paano kung puro Pain lang? Walang Love? Susuko ka ba sa paghahangad kung nagdudusa ka na? o magtitiis sa lahat ng sakit makamit lang ang ninanais?