Chapter 5

55 5 1
                                    

Chapter 5

After that confession, hindi ko pa rin siya idinagdag sa following list ko sa IG. Ang gulo rin kausap noon e. Akala ko ay hindi pumapatol sa bata at bata ang tingin niya sa akin. Anong nangyari at nagbago ang isip noon?

Natakot tuloy ako bigla. I feel like there's something wrong and imposible talaga na magustuhan niya ako. I mean, yes I am pretty but almost all of the guys I dated said na mas better kapag tropa na lang nila ako. I'm not someone they are looking for.

Pang tropa lang 'ata ako e. Baka tropahin lang ako ni Viel. But I guess I should no be sad about that dahil mas better nga 'yon e. Hindi ko siya gaanong masasaktan.

Naistorbo ang pag-iisip ko nang tumawag si Mama. Finally! Kaagad kong sinagot 'yon at hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong napaiyak sa kaniya.

"Why? Why are you crying Shantal?" Nag-aalala niyang tanong. It's been so long since I heard that tone of her voice. Kailangan bang umiyak na lang ako palagi para maramdaman na kagaya ng mga kapatid ko, mahal pa rin ako ng mama ko?

"Kailan ka ba babalik, Ma?" Ni-lock ko ang pinto sa takot na baka biglang pumasok ang isa sa mga kapatid ko at makita akong umiiyak.

"Nahihirapan ka na ba?" Kaagad akong umiling kahit hindi niya ako nakikita. "Babalik ako, anak. Uuwi naman ako. Konting tiis lang."

"Ano po bang inaasikaso m-mo d'yan, Ma? Why are you taking so long?"

"Hindi ko pa pwedeng sabihin e. Baka hindi niyo pa maintindihan pero I will try to explain it pagbalik ko d'yan. Ibaba ko na ang tawag, Shantal."

"Ma, hindi ko na po alam ang sasabihin kay Viviane kapag hinahanap ka niya—"

Hindi na niya ako hinayaang makatapos ng sasabihin. Pinatay na niya kaagad ang tawag.

Bakit natagalan siyang sabihin 'yon? Handa naman akong maghintay ng explanation e. Sana sinabi na lang nila agad para hindi na kami masyadong nag-aalala at nag-iisip ng kung ano-ano.

Buong sembreak ay nasa bahay lang talaga kaming magkakapatid. Isang beses lang akong lumabas nang ayain ako ni Cara sa isang birthday party ng kakilala niya pero hindi na nasundan 'yon noong sumunod na araw. Medyo gumaan na naman ang gawain sa bahay because just like what Lolo Fidel said, may ipinadala ngang two maids si Tito Fil na siyang nag-aayos dito sa bahay.

Nang matapos ang bakasyon ay balik school na naman kaming magkakapatid. Since wala pa rin si Mama ay hindi ko pa rin mauwian ang condo ko. Mabuti na lang at na-adjust ang oras ng pasok ni Viviane kaya kasabay na rin namin siyang pumasok sa umaga. Una ko siyang inihatid bago si Dale kaya medyo late tuloy ako.

"May hangover?" bungad na tanong sa akin ni Cara.

"Oy, 'di ako uminom ah." Pagtatanggol ko sa sarili ko. Minsan lang ako uminom at wala pa akong oras para roon.

"Hangover sa sembreak kasi." Tumango na lang ako at umupo sa upuan. Dumating na rin kasi ang teacher namin.

"Congrats!" bati sa akin ni Joshua nang ma-perfect ko ang 20 items test namin.

"Pre-test lang Shua. Huwag O.A." Hindi naman kasi recorded ang test na 'yon. Tinitingnan lang doon ang stock knowledge namin about sa mga pag-aaralan pa lang namin ngayong bagong sem.

"But still congrats pa rin. Kung mag-po-focus ka lang sana ngayong sem, I'm sure isa ka sa mga mangunguna sa klase." Napangiti ako sa sinabi niya. Kahit medyo masakit siya magsalita minsan, alam kong isa siya sa mga naniniwala sa kakayahan ko. Matalino naman talaga ako before e. Honor student nga ako palagi. Ngayon lang talaga hindi.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now