Bad Ass 14: Quizz
Kheene
F.CK!
"Kanina ka pang bwiset ka!" Sigaw ko tsaka hinampas ang hawak kong libro sa katabi kong mukhang adik na nilalang.
Kanina pa kasi toh kulbit ng kulbit eh nagbabasa pa naman ako. Minsan na nga lang akong mag sipag guguluhin pa eh.
Sumama naman ang mukha ng katabi ko.
"Aba miss, ikaw na nga yung tinutulungan ikaw pa yung galit!" Sabi nito tsaka sinamaan ako ng tingin.
"Wow! Tinutulungan? Eh ginugulo mo ko eh!" Sarcastic kong sigaw.
"Eh hindi ko naman kasi alam na napakatalino mo at pati history kinuconpute mo!" Sigaw nito tsaka tinuro ang hawak kong libro.
Napatingin naman ako sa hawak ko bago mapangiwi, nyeta history book pala tong hawak ko kala ko math. Sensya naman, galing kasi ng kalaban ko sa ML, di ko tuloy napansin.
"Sensya naman oh, tsaka walang basagan ng trip." Sabi ko tsaka tinalikuran siya.
Itinago ko narin ang librong hawak ko tutal bistado na naman akong nagsecellphone hehe.
Mabilis kong inilabas ang cellphone ko upang ituloy ang laro pero lumukot ang mukha ko ng makita nag malaking word na defeat sa screen.
Sa sobrang inis ko ay itinapon ko ang cellphone ko sa bag at dumokdok na lamang sa table.
Hayyss mas mabuting matulog na lang...
*****
Kei
Halos mapasabunot at maintug ko na ang sarili ko dahil sa sobrang ingay sa loob ng room.
Tiningnan ko ang katabi kong si Kheene at napansing tulog na ito.
Pano kaya nakakatulog ang isang toh eh napakainagay?
Dahil sa sobrang inis ay isinarado ko na lang ang libro ko at pinakinggan ang dahilang kung bakit sila nagtatahulan este pnagsisigawan.
"Kyaaa! Guys tingnan niyo may concert daw ang GRID sa Central sa susunod na saturday! Oh my Gee!" Sabi ni Girl 1 na kung makatili dinaig pa si birdie.
"What?! Bakit ngayon lang nila sinabi?! Ano may ticket pa ba?" Girl 2.
"Huy... bili niyo rin ako ticket!"Girl 3.
"Oo nga! Kami rin!" Girl 4,5 and 6.
GRID? Yung foreign boy group? May concert dito sa central?
"Ha! Pinagmamalaki niyo yang GRID niyo eh mas magaling naman yung PARALLEL sa mga yan!"
Naagaw ang atensyon ko ng magsalita ang kaklase kong si Mike at ng banggitin niya ang foreign girl group na PARALLEL.
At dito na nagsimula ng mala world war 3 na Fanwar.
"Wow eh ganda lang naman inambag nun sa mundo eh!" Girl 2.
"Eh parang yung GRID niyo hindi!" Boy 3.
"Atleast sa amin gwapo talaga! Natural! Eh yung PARALLEL niyo? Balita ko mga retokada daw!" Girl 1.

YOU ARE READING
Once A Bad Ass Tale
БоевикShe's fearless, (Medj lang) Ruthless, (Hindi halata) Brutal, ( Charr ) The infamous girl in town, And a certified rule breaker, But she's not a member of a gang, mafia organization nor yakuza like others thought she is, because she's just a simply...