Bad Ass 1: At the Bar
From outside, i could hear some vague noises, probably a popular pinoy rock songs, performed by a band. My eyes roamed around the forsaken place but i could only see pitch black darkness. I enter the bar and encounter different people, others are dancing while others just keep talking and laughing with their shits.
Mabilis kong natanaw ang aking mga kaibigan sa west wing ng bar, nag iinuman ito at masayang naguusap, mabilis na dumeritso ako sa kanila at mabilis na iniwasan ang mga babaeng cheap na gustong lumapit sa akin.
Unang nakapansin sa akin ay ang pinsan kong si Catte. Catte Christopher Bautista, pinsan ko siya sa side ni papa, only son, at isang dakilang spoiled brat.
"Hey bro! Wazzup! Akala namin di ka na makakarating?"
Catte said as he drank his tequila. Inirapan ko lang ito at tsaka umupo. Inabotan naman ako ni Mylles ng beer na tinanggap ko naman.
I roamed my eyes checking if that same person is here but again, i failed.
Ilang taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin siya makalimutan, specially, her enchanting green eyes. Sinubukan ko ring gamitin ang connections ko pero wala pa rin talaga akong nakukuhang information sa babaeng yon.
Napabuntong hininga ako at ininum ang hawak kong beer.
"Are you still looking for her?"
Tanong niya habang nakatingin sa akin. I just nodded as a response.
"Alam mo bro? mahirap hanapin ang taong ayaw mag pahanap, siguro it's the right time for you to forget her."
Sabi nito at tsaka umalis. Naramdaman ko namang tinapik ni Mylles ang balikat ko.Siguro tama siya, i think it is the right time to forget her, kasi sa totoo lang ang hirap niyang hanapin. Sa laki ba naman ng pilipinas?.
Muling bumalik sa table namin si Catte at itinuro sa akin ang isang magandang babaeng nakatingin sa akin.
I smirk, I think it's also good to be back!
the heartthrobe Casanova is going back!
Tumayo ako at lumapit sa kanya tsaka umupo sa tapat niya.
"Mind if I join you?"
Malandi kong turan habang nakatingin sa kanya. She just chuckled before answering me.
"Yeah, sure."
Nakangiting sagot nito.
"By the way I'm Cevi, you are?"
I asked as i smiled at her before giving her my famous wink. Again. She giggle.
"I'm Erah" she answer.
"What a beautiful name for a beautiful girl like you."
Pambobola ko sakanya. Marami kaming napag usapan ni Erah tungkol sa kung ano anong bagay, hanggang sa umabot kami sa tanong na alam kong kanina pa niya gustong itanong sa akin.
"So... Cevi, may girlfriend.... ka na ba?"
Tanong nito kaya napangiti naman ako, girls are really easy to get, by the looks, flowery word and expensive gift? Kuhang kuha mo na agad ang loob nila.
"None."
I answer before holding her waist. Naramdaman ko ang pag pitlag niya kaya napa kapit siya sa akin. Lumapit pa siya sa akin at aaktong hahalikan ako ng bigla itong huminto, napakunot noo naman ako.
"Is there any problem?"
Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Duon ko lang napansin ang pagkakakunot ng noo niya habang nakadungaw sa likuran ko.
"Anong nangyayari dun? Parang nag kakagulo ata?"
Takang tanong niya habng nakadungaw pa din. Mas lalo tuloy napakunot ang nuo ko tsaka tumalikod para tingnan kung ano ang tinitingnan niya kanina pa.Unang bumungad sa akin ang mga nakiki usosyo sa may bandang gitna, nakapalibot sila doon at parang may tinitingnan. Lumapit ako ganon din si Erah sa may gitna.
Bumungad sa akin ang tatlong lalaking walang malay na nakahiga sa sahig, habng ang isa naman ay masamang nakatingin sa babaeng nakatayo pero nakatalikod sa gawi namin.
Kulay blonde ang mahabang buhok ng babae na umaabot sa bewang niya, nakasuot ito ng white long sleeve na nakafold hanggang siko, at isang blue checkered skirt na hanggang gitna ng hita at isang simpleng rubber shoes.
Napansin ko ang kamay nitong dumudugo, siguro dahil sa hawak ni tong bubog.
Ramdam ko ang tensyon sa paligid at ang takot ng bawat isa na nasa loob ng bar na ito sa babaeng nakatayo sa gitna. Inilibot ko ang paningin ko at hinanap ko sila Catte at Mylles. Agad ko naman silang nakita at nakatingin lang sila doon sa gitna.
Napabalik ang atensyon ko sa gitna ng marinig kong mag salita ang lalaki.
"Ano bang ginagawa mo dito?!"
Sigaw nito habang masamang nakatingin sa babae. Napayukom naman ang kamao ng babae kaya masaganang umagos ang dugo mula doon.Napangiwi naman ako at tsaka napatingin sa sarili kong kamay, parang ako tuloy ang nasaktan para sa kanya, hayyyy.... kawawang kamay.
Tumingin ako dito at hinintay kung ano ang gagawin nung babae, nawala rin sa isip ko yung kasama kong si Erah. Narinig ko rin ang bulong nito.
"Uno."
"Huh? Anong sinasabi mo diyan Erah?" Takang tanong ko sa kaniya.
"She's here."
Napansin siguro niya na naguguluhan ako kaya nagsalita ulit siya.
"Manuod ka nalang."
Sabi nito habang nakangisi na sinunod ko naman."Asan siya?"
Para bang lumamig ang temperatura sa loob ng bar ng marinig namin ang malamig at nakakakilabot na boses ng babae. Napa atras ang lalaking natitira at bakas din sa mata niya ang takot."S-sinong siya a-ang sinasabi mo?!"
Takot na tanong nito, pansin ko ring nanginginig pa ang tuhod nito."Alam mo kung sino ang tinutukoy ko DIYES!"
Galit na sigaw nung babae, nagulat siguro yung lalaki kaya napaupo ito."Kung siya a-ang h-hinahanap mo, w-wala siya rito-"
"Anong nangyayari dito?!" Isang sigaw na nagmumula sa likod ko ang naka agaw ng pansin namin.
Tumalikod ako at tiningnan ko kung sino ito. Napansin ko ang isang malaking lalaki samay entrance ng bar.
Mistulang hari siyang lumalakad sa gitna ng nagsisihawiang tao hanggang marating nito ang lugar ng kaguluhan.
Huminto ito ng ilang metro ang layo sa babae bago sumigaw.
"Inuulit ko! Anong nangyayari dito?!"
Malakas na sigaw nito. Pero nanatili ang lahat ang tikom bibig.
"Ano?! Walang sasagot?! Sumagot kayo sa akin mga tarantado!"
Sigaw nito bago magsimulang magwala. Natakot at nagsitakbuhan naman yung iba dahil sa pagwawala.Hanggang sa may isang epal ang nagsalita.
"S-siya! Nangugulo siya dito!"
Sigaw nito habang nakaturo sa babaeng hanggang ngayon ay nakatalikod parin sa amin.
"Ikaw! Sino ka ba at nanggugulo ka dito?!"
Sigaw nito sa babae na unti unti namang humaharap.
"Ano! Sagot o gus--!"
"Ganito ka ba tumanggap ng bisita, Tres?"
Sabi nito at humarap sa amin, bumungad sa amin ang maamo at balangkong mukha ng babae.
Nanlaki ng todo ang mata ko, pero may kung anong saya ang bumalot sa puso kong makilala ko kung sino siya.
Hindi ko alam pero bigla akong napangiti.
Sa wakas at nahanap na kita!
Green-Eyed Girl!
![](https://img.wattpad.com/cover/213967163-288-k232423.jpg)
YOU ARE READING
Once A Bad Ass Tale
ActionShe's fearless, (Medj lang) Ruthless, (Hindi halata) Brutal, ( Charr ) The infamous girl in town, And a certified rule breaker, But she's not a member of a gang, mafia organization nor yakuza like others thought she is, because she's just a simply...