Bad Ass 12.5: Boyfriend?! [Part 2]
Kheene
Pigilan niyo ko! Pigilan niyo ko! Masasapak ko talaga tong lalaking toh!
"Kabayo ka ba? Bat ang lakas mong manipa?" Tanong nung lalaking sinipa ko. Sinamaan ko naman ito ng tingin kaya napa atras ito.
"Joke lang, di ka naman mabiro hehehe..." Dugtong pa nito.
Inirapan ko lang ito at itinuloy ang paglalakad.
"Teka lang!" Sigaw nito kaya naman napahito ako, pero hindi ako humarap.
"Mis---"
"Uyy... kung sineswerte ka nga naman!" Sabay kaming napatingin sa isang mukang shokoy kasama ang siyam na pusit na may hawak na skateboard habang papunta sa kinatatayuan namin.
"Andito pala ang pandak at lampang skate king daw hahaha!" Shokoy.
"Sinong lampa ha?!"Lalaki.
"Malamang ikaw alangan naman ako diba?!" Shokoy.
"Ang lampa laging talo, tulad mo Jino!" Lalaki.
"Hoy Neo! Hindi porket nanalo ka sa laban natin noon ay may karapatan ka ng magyabang sa harapan ko! Pandak!" Jino the Shokoy.
Sumama ang timpla ng mukha ko ng marinig ko ang salitang pandak dahil feeling ko iniinsulto nila ako.
'Kasalanan ba naming ipinanganak kaming cute size?!'
Mas lalo pang sumama ang mukha ko ng kumanta sila.
"Pen Pen disarapen, december na pandak pa din!~ hahaha!" Kanta nila.
Dinuro duro niya pa ang lalaking kasama kong tinawag niyang Neo.
Napangiwi naman ako ng mapansin ang laway na tumatalsik talsik pa.
"Ano naman kung mas maliit ako sa inyo?! Bakit?! Hindi mo pa rin ba matanggap na natalo ka ng isang lampa at pandak na katulad ko?!" Sigaw ni Neo habang mapang asar na tiningnan si Jino.
"Gago!"Sigaw ni Jino at inamba ang kanyang kamao.
Mabilis naman akong umabante at walang sabing sinalo ang paparating na kamao.
"Sino naman toh? Syota mo ba? Ngayon ko lang nalaman na nagtatago ka na pala sa saya ng syota mo!" Jino the Shokoy under the sea.
Napanganga naman ako habang nakatingin sa shokoy na ito. Halos mag usok ang bunbunan ko ng maproseso ko ang sinabi nito.
Walang sabi kong pinalipad ang aking kamao na tumama sa ilong niya tsaka mabilis siyang sinipa sa tiyan.
"Gago! Pakyu! Pvtang *na! Tarantado! Syota?! Mukha bang boyfriend ko yang dwendeng yan? Ha!" Sigaw ko habang sinisipa sipa ang lider nilang mukhang shokoy.
Neo"…".
'Makadwende itong babaeng toh kala mo ang tangkad tangkad, pandak rin naman…' Neo.
"Ano pang tinutungaga niyo diyan?! Tulungan niyo ako mga tanga!"
Sigaw ng Shokoy na si Jino habang pilit pinoprotektahan ang 'gwapo' daw niyang mukha.
' Ngek! hindi ko pa nga nadadampian yan ng kamao ko, Mukha ng sira eh, ano pang proprotektahan diyan?…-_-'
"Gago! Tulungan niyo si Boss!"Sigaw ng isa sa mga kasamahan niya, pero hinayaan ko lang ito at pinagpatuloy ang pagtarget sa GWAPO nitong mukha...Ahem! Biglang sumama ang hangin!
YOU ARE READING
Once A Bad Ass Tale
AksiyonShe's fearless, (Medj lang) Ruthless, (Hindi halata) Brutal, ( Charr ) The infamous girl in town, And a certified rule breaker, But she's not a member of a gang, mafia organization nor yakuza like others thought she is, because she's just a simply...