Bad Ass 9: Bullying The BulliesKheene
It's already 8:00 a.m
Yup!
Late na ako. Ay mali. KAMI.
"Tangna Kei! Anong oras na! Late na late na tayo king ina!"
"Wait! Hindi pa ako nagsusuklay! 5 minutes more!"
"Tangnang 5 minutes na yan! Kanina ka pa 5 minutes ng 5 minutes! Baka gusto mo na mang bilisan ano?! Hindi ka hihintayin ng orasan!"
Leche! Peste talaga tong si Kei! Anong oras na nagsusuklay pa lang? Mas mabilis pa ata akong kumilos kesa sa kanya, kalalaking tao ang bagal bagal!
"Oh eto na! Bakit ka ba madali ng madali ang aga aga pa kaya!" Sigaw ni Kei na kakalabas lang sa apartment niya.
"Anong maaga?! Alas Otso na! Late na naman tayo!"
"Ano?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!"
Pasigaw niyang tanong tsaka hinila ako papuntang elevator."Hiyang hiya naman ako sa 5 minutes mo no?" Sarkisto kong sabi sa kanya.
"Kahit na!" Sigaw nito at tsaka nagmadaling inayos ang buhok. Hindi ko na lang siya sinagot. Mahirap na, ang daldal pa naman ng isang toh.
Ng makababa ay mabilis kaming tumawag ng sasakyan. Saktong alas otso imedia ng makarating sa university.
Hindi ulit kami dumaan sa gate, doon ulit kami dumaan sa likod, buti na lang at wala na akong natalunan ngayon, mamaya mamatay na naman ulit, kasalanan ko pa.
Tumakbo kami ni Kei mula sa likod ng building patungo sa Elevator.
Pagdating namin doon ay puno naman, walang kaming choice, kundi maghagdan.
Patakbo kaming umakyat ng hagdan ni Kei. Shit! Bakit kasi nasa tenth floor pa yung first class namin?!
Takbo. Takbo.
Second Floor.
Takbo. Takbo.
Third Floor.
"Ahhh.... p-pahinga muna tayo saglit..." Kei.
"Ano?! Late na late na tayo! Mamaya ka na magpahinga! Halika na!"
"W-wait......."
Takbo. Takbo.
Fourth Floor.
Takbo. Lakad.
Fifth floor.
Takbo. Takbo.
Sixth floor.
Lakad. Lakad.
"Saglit..... hindi ko....... na talaga........ kaya..."
"Wait...... ang sakit na ng paa ko...."
"Pahinga muna tayo ng 5 minutes......"
"Geh......."
Matapos ang 5 minutes na pahinga ay nagpatuloy ulit kami ng ginagawa ni Kei.
Seventh floor.
Takbo. Lakad.
Eighth floor.
Takbo. Lakad.
"Malapit na......"
Ninth floor.
Lakad. Gapang
Tenth floor.
Hila hila ko si Kei habang naglalakad papunta sa classroom.
YOU ARE READING
Once A Bad Ass Tale
ActionShe's fearless, (Medj lang) Ruthless, (Hindi halata) Brutal, ( Charr ) The infamous girl in town, And a certified rule breaker, But she's not a member of a gang, mafia organization nor yakuza like others thought she is, because she's just a simply...