Bad Ass 6: Operation: TTE

23 4 1
                                    

          Bad Ass 6: Operation: TTE

                            Kheene
                 

7:00 a.m

Wat da pak! Late na ako!

Mabilis akong dumiretso sa banyo ng makita kung anong oras na. Letseng Kei! Akala ko ba susunduin niya ako?! Arghhh! Patay sa akin mamaya si Kei!

After 10 minutes.....

Pwe! Pagkalabas ko ng banyo ay dumiretso agad ako sa walk in closet ko para kunin ang uniform ko at isinuot, hindi muna ako kakain, sa school na lang, papalibre na lang ako kay kei! Bwahahaha! Bubutasin ko ang bulsa niya!

Wearing white long sleeve and gray vest with two black lining na tinuck-in ko sa isang blue and gray checkered skirt. Isang gray neck tie at isang royal blue colored blazer na may school insignia na isang lion na may korona tapos sa ibaba ang letrang EH, may isa pang pin na nagsisilbi naming I.D, kulay blue akin tapos may apelyido ko sa ibaba at section. ( Blue stand for Senior High, Green for Grade School, Red for High School at Yellow for College), black high sock at suot ang black shoes with two inches heels ay tumakbo na ako palabas dala dala ang back pack ko pagkatapos ay ini lock ang room ko.

Dire diretso akong sumakay ng elevator at pinindot ang ground floor. May mga kasabayan pa akong estudiyante pero iba iba ang uniform, may kulay black, red,yellow, maroon at green pero halos lahat ng estudiyante sa akin nakatingin.

Ano bang problema nila?! Ngayon lang ba nakakita ang mga ito ng taga EH na maganda?!

Pagkalabas ko ng elevator ay tanaw na tanaw ko ang mga estudiyanteng di natitinag sa kakatitig sa akin, hindi ko sila pinansin pero ang hinayupak! May walanjo ang bumangga sa akin! Na padive tuloy ako sa sahig kahit wala namang tubig! Inangat ko ang tingin ko at tanaw ko pa ang walanjong lalaking bumangga sa akin, parehas kami ng uniform pero panglalaki lang yung kanya. Wengya! Patay sa akin yun pag nakasalubong ko siya University!

Di manlang nag sorry! Pesteng unggoy yun! Nagsimula ng magbulung bulungan ang mga estudiyante kay tumayo na ako at pinulot lahat ng gamit ko.

Hindi ko pinansin ang mga bulung bulungan nila at dumiretso sa labas at dali daling pumara ng taxi. Mabuti na lang ay may taxi na agad, sinabi kong sa EH ako, nag drive naman agad siya papunta doon.

After 30 minutes...

Pesteng trapik na yan! Late na late na ako oh!

Nakadating ako sa gate saktong 7:45, sarado na ang gate, pero may isang estudiyante pa ang nandoon, isang lalaki , naalala ko tuloy ang damuhong lalaking bumangga sa akin kanina! Arghhh!

Nag martsa ako palpit sa lalaki at piningot ang tenga niya.

"A-aray! T-teka! Aray! Aray! Tama na! Aray!"

"Peste ka! Di ka manlang nag sorry sakin kaninang unggoy ka!"

"Oo na sorry na! A-aray ko!"

"Hindi! Iniwan mo pa akong unggoy ka! Sabi mo susunduin mo ko! Peste ka! Humanda ka sa akin Kei!"

Oo! Tama kayo ng basa! Ang walang hiyang lalaking bumangga sa akin ay si Kei! Pano ko nalaman?! Kasi kaming dalawa lang ang estudiyante ng EH na doon nakatira. Peste.

Hinila ko siya habang hawak hawak ang tenga niya papuntang sa gilid ng university, sa ilalim ng puno. Binitawan ko ang tenga niya at binigyan siya ng isang matinding sipa.

"A-aray! Grabe ang sakit sipa mo! Umamin ka nga, dati ka bang kabayo sa past life mo?"

"Ewan ko sayo! Pakyu!"

Once A Bad Ass TaleWhere stories live. Discover now