Bad Ass 4: Ethereal High
Kheene
Napangiwi na lang ako habang hinahagod ang buong paningin ko sa bago kong papasukang eskwelahan. Hindi ko akalaing ganito karangya at kalaki ang papasukan kong Unibersidad. Mula sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko ang higante nitong gate na nababalutan ng magara't makintab na kulay itim na pintura na pinarisan ng kulay gintong metal na nakahulma sa iba't ibang hugis at simbolo. Sa itaas naman ay may dalawang ulo ng lion na may nakapatong na korona sa ulo at ang pangalang Ethereal High 'sa ilalim ng mga pigura.
Napabuntong hininga naman ako tsaka marahang ibinaba ang itim kong cap upang itago ang aking mukha. Pinagtitinginan kasi ako ng mga dumadaan at sabay na pinagbubulungan. Siguro dahil sa suot kong Itim na V-neck shirt na pinatungan ko ng red checkered polo shirt, black ripped jeans at white converse shoes, nakalugay rin ang mahaba kong kulay itim na buhok na nakakulot ang dulo. Dala dala ko rin ang Itim kong Jansport bag at ang aking kulay itim na skate board na may nakasulat na 'Live Life to the Fullest.' Siguro ay nagtataka ang mga ito kung anong ginagawa ko sa harap ng isang prestihiyosong eskwelahan.
Lumapit ako sa guard na nasa guard house at ipinakita ang I.D ko, sa una ay nagtaka pa ito sa suot ko pero pinapasok pa rin ako ng sabihin kong transferee ako. Alam kong late na ako dahil kanina nagpunta muna akong mall para pakulayan ng itim ang buhok ko dahil mahirap ng makilala ako ng mga estudiyante dito at isinabay ko na rin ang pagbili ng mga bagong school supplies.
Ng makapasok ay naramdaman ko ang pag iiba ng ihip ng hangin, kakaiba ang nararamdaman ko na parang isang bagong mundo ang napuntahan ko, ipinilig ko nalang ang ulo ko tsaka ipinagsawalang bahala ang pakiramdam na iyon.
Sinimulan ko ng maglakad, unang bumungad sa akin ang isang malaki at magarang fountain na napapalibutan ng mga bulaklak. May mga benches din na nakapalibot dito. Di kalayuan ay may makikita ring lima na malawak na pathway, na naghahatid sa mga estudiyante sa mga Department building. Sa kaliwa ay may makikitang dalawang malaking building ang isa ay kulay puti at Berde, at ang isa naman ay kulay puti at pula. Sa kanan ay ganun din pero ang kulay ay puti at asul at ang isa ay puti at dilaw. Ang bawat building ay binubuo ng sampung palapag.
Sa gitna naman ay ang naiiba, mas malaki ito kumpara sa apat na building, kulay puti ito at beige, ito rin ang una mong mapapansin dahil nakaka relax sa mata ang kulay at isa pa ay binubuo ito ng labin limang palapag. Dumiretso ako sa gitnang building tulad ng nakalagay sa mapa ng school, dun kasi matatagpuan ang computer room, theater room, Detention,library, faculty, register office at ang Dean office.
Wala na akong nakakasalubong na estudiyante dahil halata namang late na ako at Class hour pa. Ng makarating sa gitnang building ay hinanap ko agad ang register office, mabuti nalang ay nasa first floor lang ito. Itinanong ng babae na nagbabantay kung ano ang kailangan ko, sinabi ko naman na transferee ako at ibinigay ang requirements na kinakailangan. Nag type naman ito sa Computer at sinabing pumunta daw ako sa dean office sa 15th floor para kunin ang schedule ko at susi ng locker, sinabi rin nitong bukas na bukas ay ipapadala na daw nila ang aking magiging uniform.
Tumango lang ako at umalis, sumakay ako ng elevator, oo, elevator dahil nga elite university ito, kailangan talaga ng elevator dahil sa taas ng building na ito. Ng makarating sa 15th floor ay lumabas ako sa elevator at tinungo ko ang tanging double door na nakita ko, kumatok ako ng tatlong beses tsaka pumasok, bumungad sa akin ang Isang lalaking kasing edad ni Daddy, matalim kung tumingin ang singkit nitong mata nito, matangos ang ilong at nakangiti ang mga labi na kabaligtaran ng mata nitong blangko.
Umangat ang tingin nito sa akin at bahagyang ngumiti.
"Are you Kheene Brill Salas?"Tanong nito, tumango naman ako kaya bahagya siyang natawa.
YOU ARE READING
Once A Bad Ass Tale
AksiyonShe's fearless, (Medj lang) Ruthless, (Hindi halata) Brutal, ( Charr ) The infamous girl in town, And a certified rule breaker, But she's not a member of a gang, mafia organization nor yakuza like others thought she is, because she's just a simply...