Bad Ass 2: Mess up
Third Person's Point of View
"Ganito ka ba tumanggap ng bisita, Tres?"
Halos lahat ng tao sa loob ng bar ay pigil ang hiningang nakatingin sa babaeng nakaharap na sa kanila, halos lahat ay gusto ng mapayapos sa sarili ng maramdaman nila ang pag baba mg temperatura sa loob ng bar, ang iba ay nanginginignig na sa takot at kaba, sino nga ba naman ang hindi? Iba ang tono ng salita nito habang nakaharap sa lalaking tinawag niyang tres, ang tonong para bang nag babanta, hindi tulad kanina na kalmado lang at seryoso, kakaiba din ang arua nito, na nagbibigay sa kanila ng nakakakilabot na pakiramdam.
Ang iba ay halos malimutan ng huminga dahil sa kakaibang presensiya ng babae, nagbibigay kasi ito ng pakiramdam na para bang may nakadagan sa likod mong malaking bato na mas gugustuhin mo pang lumuhod at yumuko kaysa maramdaman ang nakakatakot na presensiya nito.
"U-uno? A-anong ginagawa mo dito?"
Utal na tanong ng lalaking tinawag niyang tres, mababakas sa mata ng lalaki ng takot at kaba lalo na at ramdam din nito ang kakaiba at nakakakilabot na presensiya ng babaeng tinawag niya sa palayaw na uno.
"Alam mo kung ano ang pakay ko dito tres."
Walang emosyong sagot ng tinawag niyang uno habang blangkong nakatingin sa kanya.
"H-hindi ko alam ang pinagsasabi mo!"
Pagtanggi ng binata sa rason na sinabi ng babae habang nakatingin sa ibang deriksyon alam niyang sa oras na malaman nito na siya ang gumawa non ay paniguradong sa hospital ang bagsak niya.
"Nakalimutan mo na ba tres? I have my ways to find out every single detail that i want to know, and in your case? I think you should think twice if you're going to surrender or not."
Ngising sagot nito, hindi alam ng lalaki pero nagsisimula ng lumago sa loob niya ang labis na kaba, hindi tuloy niya mapigilan isipin ang kahihinatnan niya pag nalaman nito na nagsisinungaling lang siyang hindi niya alam ang sinsabi nito, posible ring hindi lang pasa at bali lang ang matamo nito sa kamay ng babae, ang mas malala pa ay baka ipa comatose siya nito o baka siya na mismo ang maghatid sa kaniya sa impyerno.
Napatingin siya sa babaeng kaharap. Mali talagang banggain ang nakakatakot na babaeng ito, kilala kasi ito sa pagiging basag ulo, rule breaker at iba pa, bali balita rin na ang huli daw nitong naklaban ay nasa hospital pa at comatose dahil sa sobrang pag ka bogbog.
Marami ring nag tangkang pabagsakin siya, at ina amin niyang isa siya sa mga taong yun, yun din ang rason kong bakit nandito ang babaeng ito at handa na siyang singilin, nanggulo kasi ito sa pinapasukang eskwelahan ng babae at bali balitang na kick out daw ito dahil sa pag dadala ng gulo sa loob ng school dahil sa personal na isyu sa labas.
Kalat rin ang balita sa kanilang lugar na isa daw itong gangster, meron namang nagsabi na kabilang daw ito at meyembro ng isang napakalakas na mafia organization at isa daw na mafiosa, meron din akong narinig na kabilang daw ito sa yakuza ngunit lahat ng balitang iyon ay wala pang patunay.
Ngunit alam ng karamihan sa kanila na hinahabol ito ng ibat-ibang grupo ng gangster na gusto daw itong maging miyembro o gawing pinuno ng isang gang, dahil sa kakaibang bilis, lakas at taktika nito sa labanan, ngunit lagi daw nitong tinatanggihan ang anumang inaalok sa kanya, kaya lagi daw itong napapaaway.
"Oo na! Ginawa ko lang naman kasi yun para lumipat ka ng school at sumali sa gang namin!"
Buong tapang na sigaw ng tinawag niyang tres, inaamin naman nito na ginawa niya iyon para lumipat ng school ang babae, pero hindi ang isali sa gang o maging pinuno nila ang balak gawin niya sa babaeng ito, kundi ang gusto niya ay mapahiya ito at lumuhod sa harapan niya upang makabawi sa ilang beses niyang magkakapahiya sa kanyang miyembro tuwing naglalaban sila.
YOU ARE READING
Once A Bad Ass Tale
ActieShe's fearless, (Medj lang) Ruthless, (Hindi halata) Brutal, ( Charr ) The infamous girl in town, And a certified rule breaker, But she's not a member of a gang, mafia organization nor yakuza like others thought she is, because she's just a simply...