Chapter thirteen

28 1 0
                                    

chapter 13

 Yonie's P.O.V

papasok  na ako ngayon...  pinayagaan na ako ni Mommy pero sa isang condition wag daw  ako magpapagod baka daw lumala yung sakit ko...

oo... may sakit ako..

malala...

na any minute pwede akong mamatay...

bata palang ako.. meron na ako nito.. may sakit ako sa puso.. kaya naman di ako pinapayagan ni mommy na magpagod ako kasi di ako makahinga...

pero ako naman 'tong si matigas ang ulo.. di pa rin nadadala kahit nakailang confine na ako sa hospital... hehe

gusto ko mabuhay ng normal... =(

yung tipong walang inaalala kahit mapagod ako ng sobra...

naranasan nyo na ba yung gustong gusto nyong maglaro at makipagsabayan sa ibang mga normal na bata pero di nyo magawa?...

ang hirap diba...

 sabi ng doktor na tumitingin saakin.. may paraan pa raw..

yun eh kung magpapa heart transplant ako.. pero 50-50 naman..

pinilit ako nina mommy.. pero ako naman yung ayaw..

alam ko di na rin ako magtatagal sa mundong ito .. kaya mas nanaisin ko pang ienjoy yung mga natitira kong buhay kasama ang pamilya ko at mga kaibigan...

pero di nila alam yung kalagayan ko.. tanging pamilya ko lang yung nakakaalam at hiniling ko sa kanila na isekreto nila..

gusto ko tratuhin ako ng lahat na normal..

gusto ko gawin lahat.. gusto ko masubukan lahat ng mga ginagawa ng isang normal na teenager..

except one thing...

yun ay....

TO FALL IN LOVE...

oo.. ayoko magmahal... 

bakit????...

simple lang ... ayokong masaktan at ayoko rin makasakit.. kasi pano pag nawala na ako???... maiiwan yung taong mahal ko...

kaya mas mabuting wag nalang...

kaya lahat ng mga taong nagtatangkang manligaw saakin  eh binabasted ko na agad.. ayoko silang paasahin sa wala...

ayoko mapalapit sa kung sino mang lalaki...

ako yung taong di naniniwala sa forever at mga fairytale... pati na rin sa true love at happy endings..

puro lang naman yan mga gawa-gawa lang...

ang bitter ba?...

pasensya na... yan lang naman ang isang pananaw ng isang Yonie na malapit ng mawala sa mundo...

Sa School...

pumasok agad ako ng room namin...

di ko pa nga nalalagay yung bag ko sa upuan ko.. eh dinumog na ako ng dalawa...

walang iba kundi yung dalawa kong bestfriends.. hehe =)

"Yonie!!!!!!!! buti pumasok ka na!!!!!! "masayang saad saakin ni Charie.. tapos yinakap nya ako ng mahigpit..

"diba sabi ko naman sainyo na papasok na ako.. hehe"sagot ko naman..

"buti nakalabas ka na ng hospital.. "--->si Carol..

huh?alam pala nila?ang buong akala ko yung alam lang nila ay nasa bahay lang ako nagpapahinga...

"h-huh?... hospital?d-di ah.. "nauutal na sagot ko.. lagot baka malaman nila yung sakit ko..

"deny ka pa.. si Zen yung nagkwento... si Knight in shining armor mo.. pero sorry ah? di ka namin dinalaw pinagbawalan kasi kami ni Zen na dalawin ka... bawal ka pa raw kasi dalawin.. " paliwanag naman ni Carol..

"oo nga friend.. kahit gustong-gusto ka namin makita eh wala kaming magagawa.. alam naming nagpapahinga ka.. masyado ka kasi siguro  na-trauma  .. sorry talaga ".. dugtong naman ni Charie..

"ano ba kayo... Ok lang yun hehe.. wala kayong kasalanan.. yung mga lasingero yung may kasalanan hindi kayo... "sagot ko naman sa kanila..

"pero-" sabay na nagsalita yung dalawa pero pinutol ko.. alam ko na kasi sasabihin nila.. hehe

"hali na kayo... darating na teacher natin... "sabi ko sa kanila habang nakangiti tapos hinila ko na sila...

mabuti di pa nila alam,,, si Zen kaya ? di pa nga ba talaga nya alam?o nagkukunwari lang syang walang alam??....

Yonie's FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon