Chapter 17
Yonie's P.O.V
arghhhhh nakakaasar na talaga si Zen..
kahit saan ako magpunta.. laging nandun.. kahit pagtaguan ko man lagi pa rin ako nahahanap.. di ko na alam kung ano gagawin ko sa lalakeng yun!..
nung isang araw... hinintay ako sa labas ng room namin nung uwian para ihatid sa terminal kahit na ayaw ko, pero wala naman akong magawa.. binibiro tuloy ako ng mga kaklase ko na sagutin ko na raw..
spell A.S.A
tapos nung sumunod naman na araw ... ganun pa rin nakakainis pa rin , hinintay ulit nya ako pero this time may binigay syang isang tangkay ng roses..
... kinuha ko naman pero padamog naman.. ayoko kasi itapon,, ayoko makasakit ng damdamin, kahit na basted silang lahat di ko naman sila magawang bastusin ..
ganun pa rin ang ginawa nya nung mga sumunod na araw .. bale 2 weeks na nya akong binubwisit !!! arghhh
asar na asar na nga ako eh...
kelan ba 'to titigil sa mga kalokohan at mga jokes nya..??? kasi hindi na nakakatuwa!!!..
ligaw ligaw... pshhhh LIGAWAN NYA MUKHA NYA!! lakas talaga nito mang trip.. sabihin ba naman na gusto nya ako at liligawan nya ako??..
ano ba nagawa ko sa lalakeng 'to at ako ang laging pinagtitripan????..
tulad ngayon..
nasa loob ako ngayon ng library.. tahimik na nagbabasa pero as usual may asong sumunod saakin dito sa library..
sino kamo??..
ay hindi na po yan kailangan tanungin..
kasi nag-iisa lang yan na bwisit sa buhay ko... si Zen..
ewan ko ba bakit yan nandito.. sabi naman nya vacant sya ngayon kaya sasama daw muna sya saakin..
kasi naman eh ! nagtatago na nga ako kanina.. pero ang lakas talaga ng pang-amoy nito.. akalain nyo yun nahanap pa ako... tss
habang nagbabasa ako.. kung makulit na kasama ko ang ingay-ingay.. salita ng salita di ko naman pinapansin.. titingnan ko lang sya tapos magbabasa ulit..
nung nainis na ako bigla ako nagsalita..
"manahimik ka nga.. baka mapagalitan pa tayo eh " sabi ko habang salubong yung kilay ko.. pero syempre naka-minimize lang yung voice ko..
nag-pout sya.. " ito naman.. ang sungit-sungit para nagkukwento lang naman eh... "
"ay kahit na... wala ka bang assignment?? " tanong ko sa kanya .. para naman may magawa sya..
"wala =D " sagot nya habang abot-tenga ang ngiti..
"activity??" ako
"wala =D"
"seatwork???" ako ulit
"wala =D"
puro naman 'to wala!
"research??? take home task??? " tanong ko ulit sa kanya..
" ang kulit mo naman eh.. wala nga, wala ,wala ,WALA =D " sagot ulit nya...
ano ba naman yan... tss
" oh eh di manahimik ka nalang dyan... magpaka-busy ka,. " sabi ko sa kanya..
"ano naman gagawin ko? " tanong naman nya..
"ARGHHHH ay ewan.. BAHALA KA NA DYAN KUNG ANONG GUSTO MONG GAWIN BASTA WAG MO LANG AKO GAGAMBALAIN.. pwede ba??.." sabi ko sa kanya..
"ok =( " sagot nya.. hay mabuti naman..
"ok good.. " sabi ko, sabay angat ulit nung book na binabasa ko..
ilang seconds lang nagsalita ulit sya..
"ah hehe.. wala ako magawa " sabi nya..
arghh... naku naman talaga oh... nakaka-highblood.. sumasakit ako puso ko sa kanya dahil sa inis !..
"magdrawing ka na nga lang ! " sabi ko..
" di ako marunong magdrawing hehe " sabi nya.. aba't ! naku naman ako ba talaga eh pinagloloko nya??? ARCHITECTURE STUDENT?? tapos di marunong magdrawing??..
binigyan ko sya ng WAG-MO-NGA-AKO-PINAGLOLOKO-LOOK....
mukhang natakot naman sya..
"ok ok,ito na nga.. magsusulat nalang ako, di ko kasi feel magdrawing ngayon ,ok??" sabi nya sabay kuha ng papel at ballpen..
medyo natawa naman ako... pero di ko sa kanya pinakita.. kasi naman mukha syang takot na takot na daga.. tapos ako yung pusa.. haha ...
pero ehem.. balik na nga ako sa pagbabasa..
after ilang minutes.. di na rin ako makapag-concentrate..
palihim akong tumingin kay Zen.. tapos dun naman sa ginagawa nya..
ano kaya sinusulat ng lalakeng 'to??..
" oh? bakit ka nakatingin?? mind your own .. " sabi nya sabay tinakpan ng kamay nya yung papel.. nakita pala ako.. ang sungit , kanina ang bait bait tapos ngayon nagsusungit na.. ewan ko ba sa lalakeng 'to, ang hirap basahin ang takbo ng utak..
" feeling naman nito.. " bulong ko..
nakita ko ngumiti sya.. nakita nyo na? may sayad talaga..
ilang minuto ulit yung lumipas bago sya nagsalita..
"ayan... tapos na hehe " sabi nya..
"oh ngayon?? " mataray na tanong ko..
"eh di ngayon.. ibibigay ko na sayo =D " sabi nya sabay abot ng papel na nakafold.. aabutin ko na sana pero nilayo nya.. " ooppppsss maya mo na basahin pag wala na ako.. " dugtong naman nya sabay kuha ng kamay ko at nilagay dun yung papel..
binigyan ko sya ng isang NAGUGULUHAN-AKO-LOOK ..
tapos ngumiti lang sya.. tapos kinuha na yung bag nya sabay sabi ng " sige.. alis na ako, may next class pa ako eh.. basahin mo mamaya ha? hehe " at pinat yung ulo ko..
after that.. tumalikod na sya at lumabas na ng library..
ako naman.. niligpit ko na rin yung mga gamit ko at lalabas na rin ng library..
bago ako lumabas... tinago ko muna yung papel, inipit ko sya sa notebook ko tapos tuluyan na rin akong umalis.. mamaya ko nalang yun babasahin..
BINABASA MO ANG
Yonie's Fairytale
Teen Fictionstory po ito ng isang babae na kahit kelan di pa nakakaranas ng tinatawag na love, dahil sa kanyang tinatagong sakit.. sakit na nakamamatay.. pilit niyang pinagtatabuyan ang sino mang guy na lumalapit sa kanya dahil takot siyang magmahal.. at ,siya...