Unti-unting bumalik ang mga pandama ni Remy. Naalala lang nyang may pinuputol sya, tas ngayon. "...emy, Re...Remy, Remy," rinig ni Remy. Inalog nya ang ulo at itinaas ito. Bagamat medyo malabo, napansin nya ang pulang buhok at itim na damit.
"Remy! Gu...ing ka, ple...Juda...kawalan m...sya!" medyo malabong sabi ni Elise. Pumikit si Remy at nagmulat uli, mas malinaw na ang nakikita nya ngayon. Di nagtagal, umayos din ng pandinig nya.
"Ano Remyboy, maayos ka na ba?" sabi ni Judas habang pasan ang isang tubong bakal. "Ang dali mo namang mahuli." Tsaka lang naalala uli ni Remy kung bat sya nandon. Kinidnap nga pala si Elise, at naroon sya para iligtas sya.
"Judas, wala syang kinalaman dito!" pilit na sigaw ni Elise. Huminga ng malalim si Judas at humarap nang malapit kay Elise, "Meron. May kinalaman sya dito. Kaso di ko masabe kase ang ingay mo." Kinuha nya ang busal at muling nilagay kay Elise. "Ayan, mas tahimik."
Muli syang tumayo sa harap nila. Sinubukan syang sunggaban ni Remy, ngunit nakagapos sya sa upuan. Natawa si Remy. "Ngayon," sabi nya, "let me explain bat ka nandito. Narealize ko na mahal ko pa pala si Elise. At hindi naman pwedeng kabit lang ako. That's no good, fam.
"Gusto ko ako ang main. Ayoko ng may kahati. Kaya ka nandito, para mamatay. Para kami nalang ni Elise." Tumawa sya ng malakas. Nang matapos, galit na sumagot si Remy, "Baliw ka na!" "Baliw na baliw, sa pagmamahal ko sayo," sabi nya sabay flying kiss kay Elise. Umiwas ng tingin si Elise.
Unti-unting nagalit si Judas, "Nako, hindi moko tatanggihan!" Patakbo syang lumapit kay Elise at sinampal to ng malakas. Napasigaw si Elise sa sakit, at nagalit din si Remy. "Hayop ka! Pag ako nakaalis dito, papatayin kita!" Humarap si Judas kat Remy, "Aw, katakot. Hintay ka lang pretty boy, isusunod kita."
Lumapit sya kay Elise, tinanggal ang tali, at tumayo sila. Dahan-dahan nyang dinala si Elise palayo ng kaunti, at sumayaw sila. "Sasayaw nga tayo!" galit na sabi ni Judas nang di gumalaw si Elise.
Habang naiyak, sumayaw sila ng mabagal. All the while, nakatingin si Elise kay Remy, na para bang nagmamakaawa. Magkahalong lubgkot at galit ang pumuno kay Remy, kaya sinubukan nyang sirain ang taling gumagapos, hanggang sa puntong dumugo na ang mga parteng nakagapos, peeo hindi nya parin nasira. Wala na syang magawa, kundi ang maluha habang nanonood.
Nang matapos, muling ginapos si Elise at humarap sa kanila si Judas, "Hays. Tingnan mo Remy, pinaiyak mo ang prinsesa ko." Ngumiti si Judas at pinulot ang tubo. "Kailangan kita parusahan dahil sa ginawa mo."
Walang-awa nyang sinuntok, tinadyakan, at hinampas ng tubo si Remy ng walang tigil. Pilit namang sumisigaw si Elise para matigil na ang kaguluhan. Napuno ang warehouse ng tunog ng tubo, mga pahinang imik ni Remy, tawa ni Judas, at patuloy na pilit na pagsigaw ni Elise.
Tumigil si Judas at tiningnan ang lalaki. Duguan, punung-puno ng pasa at bukol, at halos hindi na humihinga. Napangiti si Judas, at kinuha ang baril mula sa likod. Napatigil si Elise nang itutok nya to kay Remy.
Kinasa nya ang baril, "Bye, Remyboy. Sakin na muna baby mo, ha?" Sumigaw ng sumigaw si Elise, hindi mapigilan ang iyak. Naisip ni Remy na ito na ang dulo. Mamamatay nalang sya ng ganon, hindi man lang nakalaban o nailigtas si Elise. Ni hindi rin nya nagawang maayos ang relasyon nila. Umiyak nalang sya habang hinihintay pumutok ang baril.
"Pulis!" sigaw ng isang boses. Sinundan ito ng marami pang boses at mga yabag ng paa. Napalingon si Judas, napakagat ng labi, at umalis. Sinubukan ni Elise na sumigaw, ngunit hinadlangan sya ng busal.
Dahan-dahang tinaas ni Remy ang ulo at humarap kay Elise. Ngumiti sya, "Sorry, El...ise." Tuluyan nang bumagsak ang ulo nya.
BINABASA MO ANG
Hard Truths, Lost Vows
Teen FictionHindi pala lahat ng gusto, mapapasatin. Hindi pala lahat ng plano, masusunod. Hindi pala lahat ng sumubok, magtatagumpay. Hindi pala lahat ng pangarap, matutupad. Hindi pala ng gusto natin, gusto din ng iba. Hindi lahat, at akala ko hindi tayo parte...