VII

0 0 0
                                    

"Hoy, seryoso?" tanong ni Sophia. "Oo nga," sabi ni Thalia sabay ngisi. "Kulet." Napatingin si Elise kay Remy. Di nya ineexpect na fan na fan pala ng Ben&Ben si Remy. Ang cute, ha. "Bat moko tinitingnan?" biglang tanong nya kay Elise. Napangiti si Elise, "Wala." Di naniniwala si Remy. "May dume, noh?" "Wala nga," sabi ni Elise. Tumawa sila.

Nang usisain lalo, napag-alaman nilang walang fee kaya pwedeng pumunta kahit sino. Ah, kaya pala ang lakas mag-aya. Pero kahit na, sayang naman. Ben&Ben na nga, libre pa. San ka pa? Matapos malaman na bukas na at ang venue ng concert, umalis na sila.

Fast forward tayo, kaya bukas na. Halos hindi na mapakali sa kama si Elise. Nauunahan pa nga nya yung alarm clock nya. Nang tumunog, halos magtititili sya sa tuwa sabay kanta ng "PAAAAHIIIWAAATIIIG!" ng paulit-ulit. Pagkaligayang nilalang.

Agad syang nagbihis at nagtungo sa venue. Sobrang excited na sya—sa sobra nga eh hindi ko na alam kung pano idescribe. Basta sobrang excited sya. Ngayong pa nga lang ang first time nya sa isang concert, at Ben&Ben pa! Ez hulog ng langit.

Nang dumating, naroon na sina Thalia at Addy. Agad nyang hinanap sina si Sophia at Remy. "Siguro nakalimutan ule nun magdala ng bulaklak, kaya nalate," sabi ni Thalia. "Akala ko po magkasama kayo ni Kuya Remy," sabi ni Addy. "Magjowa po kayo diba?" Namula si Elise. W-wait, ano ba yan. Bat dito pa? Nakakahiya naman.

"Kinahihiya mo po ba sya?" tanong ni Addy nang mapansing namumula na nga si Elise. "H-hinde, noh!" sabi ni Elise sabay hinga. "Mas gusto ko lang na private yung kame, pero oo, kame nga ni Kuya Remy mo." Napa-ayie ang magkapatid. Halatang nagmana ang bata sa ate.

Makalipas ang ilang segundo, dumating sina Remy at Sophia. Kapansin-pansing magkasama sila. May kubot sa kalooblooban ni Elise, pero sinawalang-bahala nya nalang. Wala pang kongkretong rason, kaya di pupwedeng husga agad. Das bad, frens.

"Ah, andito na pala kayo," sabi ni Remy. "Bat ngayon lang kayo?" "M-may sakit kase si Tita," sabi ni Sophia agad, "eh madaming nakapila sa may bulaklakan, kaya ako na muna umasikaso. "A-ah," sabi ni Elise, pinipilit na isantabi yung kumukubot sa looban nya. Ano ba, malay naten nagkasabay lang sa daan.

Umakyat na ang banda sa stage, at biglang nabuhay ang masa. Nalunod sa mga hiyaw at palakpak ang buong lugar. "Pasensya na talaga, nalate ako. Yaan nyo, kukuha ko ng makakain," sabi ni Sophia at agad na umalis. "A-ako den, pasensya na," biglang sabi ni Remy sabay sunod kay Sophia. "Ako bahala sa inumin!" Dapat pipigilan sya ni Elise, pero hindi na to nakahabol.

Dami pang gustong sabihin, ngunit wag nalang muna.

Magsisimula na. Sakto ah, madami ngang gustong sabibin si Elise.

Hintayin nalang ang hanging tangayin ang salita.

"Ano ka ba Elise," sabi nya sa sarili. "Wag ka ngang mag-isip ng kung ano-ano. Pagbalik non, tsaka mo na kausapen." Binaling nalang ni Elise ang atensyon sa musika.

Mga ilang sandali rin ang lumipas pero napapansin pa rin nyang di pa rin bumabalik silang dalwa. Matapos magpaalam, sumunod sya sa direksyon ng dalwa. Hindi na kase normal yung kubot nya. Parang may ano na talaga. May something. May nangangamoy malansa na sa mga pangyayari.

Matapos ipilit ang sarili palabas sa masa, tumambad sa kanya ang ilang mga maliliit na tindahan na puno ng tao. Naglibot-libot sya para hanapin ang dalwa hanggang sa natigilan sya.

Pag nilahad ang damdamin, sana di magbago'ng pagtingin.

Bat parang may nakahandusay dun sa may tindahan ng shawarma. Huy, baka patay na yun! Agad-agad na lumapit si Elise.

Aminin ang mga lihim, sana di magbago'ng pagtingin.

Teka, totoo ba to? Sina Sophia at Remy yon ah. Pero bat magkapatong sila?

Subukan ang manalangin, sana di magbago'ng pagtingin.
Baka bukas, ika'y akin. Sana di magbago'ng pagtingin.

Dama ni Elise. Alam nyang aksidente lang yon. Siguro nagkabungguan sila. Pero may iba kase. Hindi sila gumagalaw. Merong kung ano sa mga mata nila. Para bang nagsasabing, "Pwede pa ba? Sana di nalang to matapos."

Pahiwatig, sana di magbago'ng pagtingin.
Pahiwatig, sana di magbago'ng pagtingin.

Naghiyawan ang lahat. Sabay pagtaas ng mga palakpak ng lahat ay ang pagbagsak ng nga luha nya. Agad nya itong pinawi at tinawag sila, "Uy, tapos na yung kanta. Di nyo na ata naabutan." Tila ba nagising sa katotohanan ang dalwa. Napatingin sila kay Elise na hanggang ngayon eh nagpupunas parin ng mga luha.

"H-hindi ito yung iniisip mo," sabi ni Remy sabay tayo. "Ma-magkukwento ako," sabi ni Sophia habang inaalalayan syang tumayo ni Remy. "M-mamaya na," sabi ni Elise. "Baka di nyo na maabutan yung sunod na..." Hindi na nya natapos ang sasabihin at agad na tumakbo pabalik.

Hard Truths, Lost VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon