Nagising lang uli sa katotohanan si Remy nang marinig nyang bumukas ang pinto. Agad nyang pinawi ang luha at sinubukang ngumiti.
Pumasok ang pamilya nya na may bitbit na pagkain. Habang nakain, tinanong ni Remy, "Gano na po pala katagal mula nang umalis dito si Elise?" "His girlfriend," sabi ni Jasper nang mapansing hindi alam ng asawa kung sino ang tinutukoy.
"Not sure though," sagot nya sabay harap kay Remy. "We never came across her on the way. We didn't know she came here, even." "Baka naman matagal na," sabi ng mama nya. Napatango si Remy at nagpatuloy sila sa pagkain.
Dahil sa nangyari, napilitan silang magschedule ng panibagong flight dahil hindi pa gaanong recovered si Remy. Habang nasa ospital, lagi syang binibisita ng kanyang pamilya. Through these, they slowly startes to bond together, lalo na sina Remy at ang mama nya. This may turn things for the better.
Binibisita rin sya nina Thalia at Sophia kapag kaya nila. Minsan nagbibigay din ng kaunting theraphy sessions si Thalia ng libre para kahit papano makatulobg sa recovery nya. Pero mula ng araw na yon, hindi parin bumibisita si Elise. Araw-araw syang naghihintay kung darating ba sya, pero araw-araw din syang nalulungkot dahil para wala na syang balak pang magparamdam.
Slowly, may something na unti-unting namumuo sa kanya. Hindi sya sigurado kung ano yon, pero para syang dinadaganan ng kung anong mabigat. Parang unti-unting nawawala ang kulay ng paligid. Hindi nya alam kung paano hihingi ng tulong, kaya hanggang ngayon, hindi nya sinasabi kung kanino.
Sa wakas, dumating ang araw ng pag-alis nya sa ospital. Habang hinihintay dumating ang mga magulang, naupo sya sa kama, at hinaplos ang peklat sa parehong pulso. Biglang nanginig ang kanyang paningin, at nanlabo ang paligid.
Mabilis na bumulag sa kanya ang mga pangyayari noong gabing iyon: si Elise habang nakagapos sa upuan, ang sahig kung saan sya napatingin habang sinusubukang pumiglas sa tali, at ang nakangiting muka ni Judas habang isinasayaw ang lumuluha nyang minamahal.
"Agh, no no no no no," mahinang sabi ni Remy, unti-unting lumalakas, "wag wag wag wag, tama na, TAMA NA!" Napapikit sya. Mabigat ang paghinga nya, at tumatakbo ang puso. Sinubukan nyang pakalmahin ang sarili, at nagmulat.
Nakita nya ang mga magulang at si Paxley, lahat ay nag-aalala. "Okey ka lang ba anak?" tanong ng mama nya. Huminga sya ng malalim at ipinaliwanag ang nadarama at nakita.
Matapos non, niyakap sya ng pamilya. "Don't worry buddy," sabi ng papa nya, "when ww get there, we'll find someone who can help you. If you can just hold on until we get there, we'll surely find a way to remove your pain. Can you do that for us?" "Thanks dad," sabi nya. "Salamat din, ma."
Matapos non, nagbihis si Remy, kinuha ang mga gamit na inimpake nila para sa kanya, at sumakay sa sasakyan nila papuntang airport. Habang nasa byahe, medyo kumati ang peklat nya, pero hindi nya sinubukang hawakan pa. Masyado pa syang natatakot tanggapin ang mga makikita nya.
Nang makarating sa airport, agd n bumungad sa kanila sina Thalia at Sophia. "So aalis ka nga talaga," sabi ni Thalia nang makalapit sila. "I guess this is for the best," sabi ni Remy. "To help her heal herself, as well as me." Niyakap sya ni Sophia, "Ingat ka, ha?" "Salamat," sabi ni Remy sabay bitaw. Napangiti si Thalia, "Sana makamit mo yung healing na hinahanap mo."
Napangiti si Remy, at nagpatulot sila. Nang biglaan, napalingon sya sa kanila, at nakita ang dalawa na kinakausap ai Elise. Naroon pala sya, pero hindi nya nagawa man lang magpaalam. So balewala na talaga. Muling bumigat ang pakiramdam nya, at napansin ito ni Paxley. "Daddy said you'll be fine when we get there, so don't give up!" sabi nya sabay ngiti.
Hinawakan ni Remy ang kamay nya, at nagpatuloy sila papunta sa eroplano. No more returning. No more running back, or that's what he wanted.
BINABASA MO ANG
Hard Truths, Lost Vows
TienerfictieHindi pala lahat ng gusto, mapapasatin. Hindi pala lahat ng plano, masusunod. Hindi pala lahat ng sumubok, magtatagumpay. Hindi pala lahat ng pangarap, matutupad. Hindi pala ng gusto natin, gusto din ng iba. Hindi lahat, at akala ko hindi tayo parte...