XVI

1 0 0
                                    

Nagising si Remy sa isang kama. Una nyang nakita ang puting kisame na sobrang pamilyar sya. Nang humarap sa may paanan, nakita nya ang mga upuang medyo berde. Naramdaman din nya ang mga padding na nakatakip sa iba't ibang parte ng katawan nya. Nasa ospital nga sya.

"Remy?" mahinang sabi ng isang babaeng boses. Tumingin si sa bandang kanan, at nakita nya ang pamilya nya, magkakasama sa tabi ng kama. "Remy, anak?" sabi ng mama nya. Bago pa man makasagot si Remy, hinawakan ng mama nya ang kanyang kamay at hinalikan.

"Anak, patawad dahil nagkulang ako sayo bilang ina," sabi nyan habang naiiyak. "Patawad dahil kinailangan ko pang halos mawala ka para lang makita ko kung gaano kita kamahal. Patawad dahil wala ako sa tabi mo kapag kailangan moko. Anak, patawarin mo si mama.

"Hindi na uli mawawala si mama sa tabi mo. Mamahalin kita lagi. Basta umuwi ka lang ng ligtas, ha? Mahal na mahal kita, anak." Hindi nakaimik si Remy, pero naluha sya. Ito pala ang pakiramdam ng pagmamahal ng isang ina.

"Hey there bud," sabi ng tatay nya. "The police immediately contacted us when they found you in the warehouse. The lady you were with was crying, but unharmed. They catched the culprit." Pinawi ni Remy ang luha at huminga ng malalim, "I'm sorry dad. I failed to save her in time. She went through so much becuase of it."

Hinawakan ni Jasper ang kamay nya, "You called the police like you said you will, and they came. The lady was safe and unharmed. And you returned to us alive. Remy, that's good enough." Napangiti sya, "Thanks, dad."

Nilapitan sya ni Lee. "Kuya Remy!" sabi nya ng may ngiti. Binitawan nya ang kanyang nanay at tatay, at hinaplos ang ulo ni Lee, "Hey, Lee. Nice to see you!" Nilagay nya ang dalang eroplanong papel sa dibdib ni Remy at sinabi, "I, I made one for you. This one is special, because I made it so it can take all your pain and bad memories away. So you can get well, and we can play together again!"

Napangiti si Remy. "Thanks, Lee. Because of this, I'll recover more easily." Hinaplos nya uli ang ulo nito, at natawa naman si Lee. Tumayo si Jasper, "C'mon, Lee. Let's go with mommy to grab something for us and Kuya Remy to eat." Matapos magpaalam, tumayo sila at umalis.

Nang akmang pipikit, may narinig syang pumasok. "Nakita ko silang umalis," sabi ni Elise, "nakangiti sila. Siguro nagkaayos na kayo." Napamulat si Remy at umupo. "Wag mo na pilitin sarili mo," sabi ni Elise sabay upo sa tabi nya, "baka lumala mga sugat mo." Napangiti si Remy, "Yes, doktora."

Kinamusta nila ang isa't isa, at nagkwentuhan ng kaunti. Biglang sinabi ni Remy, "So, uhm, pwede pa ba?" "Ang alin?" tanong ni Elise. Medyo naghesitate si Remy, pero nagsabi rin sya sa huli, "Tayo. Kung pwede ba bang magbalikan tayo?"

Natahimik sila pareho. Sa huli, nagsalita si Elise, "Alam mo, hindi ko parin nalilimutan yung nagawa mo. Pinipilit kong kalimutan, pero kapag nakikita kita, kapag napupunta ko sa mga lugar na pinupuntahan natin lagi, pag nakikita ko sya, naaalala ko ulit. Remy, gusto kitang patawarin. Gusto kitang ibalik. Gusto parin kita, pero ang hirap tanggapin."

"Elise naman," sabi ni Remy, "diba sinabi ko na sayo? Aksidente lang yon. Hindi ko, o nya, o namin ginusto yung nangyari." Tumayo si Elise at humarap kay Remy, medyo naluluha, "Yung nangyare, oo. Pero pano yung tingin mo? Yung tingin nya? Yung pag-amin mo sakin mismo na mahal mo pa sya? Aksidente ba yon?"

"Hanggang kaibigan na nga lang kami," sabi ni Remy, sinusubukang hindi sabayan ang galit ni Elise. "Ilang bese ko pa bang uulitin?" "Remy, kahit ulit-ulitin mo saken, hindi mawawala yung kaba saken," sabi ni Elise. "Kahit ulit-ulitin mong patunayan sakin, hindi mawawal sakin na mangaba na baka isang araw, yung pagkakaibigan nyo maging pagkaka-ibigan."

Umiiyak na si Elise, pero pinipilit nyang pawiin. "Sorry, Remy," sabi nya sabay talikod. "Mahal kita, pero hindi ako sigurado kung matatanggap pa kita ng buo. Kung gusto mo, kalimutan mo na ko." Umalis syang umiiyak parin.

Naiwan nanaman sya. Mag-isa. Sa nakakbinging katahimikan, sa nakakabulag na kadiliman, sa pag-iisa.

Hard Truths, Lost VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon