VI

1 0 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas mula ng madischarge si Remy mula sa ospital. Naging malapit na sa kanya sina Jasper at Paxley. Sa ngayon, wala pa syang trabaho, pero tinutulungan sya nito maghanap. Kung sakaling wala talagang mahanap, kukunin nalang sya ni Jasper bilang trabahador.

Halos wala paring pagbabago sa buhay ni Elise. Halos di na sya nakakauwi dahil sa pagiging hectic ng schedule nya. Wala parin syang balita kay Tala. Ni hindi na nga sya sigurado kung may balak pang magparamdam to. Anyway, umaasa parin sya na baka sakaling hanapin sila ule ng ate nya.

Nagtatrabaho na si Sophia sa lagi nyang binibilhan ng bulaklak. All this time, narealize nya na sobrang wrong timing pala ng pagmamahal nya kay Remy. Kaya naisipan nalang nyang tumulong sa flower shop na lagi nyang binibilhan, para baka sakaling makatulong sa ibang tao na mabuo ang love story na hindi nya nakamit.

Mas nagtodo-kayod si Thalia. Ngayong umalis na ang mama nya, kailangan nyang mas magtrabaho pa—ngayong mag-isa nalang ang papa nila na magtataguyod sa kanila at medyo lumalaki na ang financial needs ni Adelaide. Mahirap, oo. Nakakapagod, oo. Pero lagi nyang iniisip na para to sa kapatid nya. Balang araw, makakatapos sya, magkakaroon ng maayos na buhay. Sapat na kay Thalia na tumulong sya para makamit ni Addy ang mga pangarap nya.

Kung tutuusin, maayos na sila. Pwede ko nang tapusin ang kwento dito. Pero syempre, hinde. Kase hindi nyo pa nalalaman kung bat yun yung title ng kwentong to.

Isang araw, inaya ni Thalia sila sa isang public garden. Mabuti nalang at libre sila, kaya nakapunta. "Remy!" bati ni Thalia sabay tayo at kaway nang dumating si Remy. Ngayon lang sya nakapunta don, kaya sobra nyang minasdan ang paligid. Isa syang malaking hardin na punong-puno ng mga halaman. May mga bulaklak, puno, mga damo, at mga prutas at gulay. Meron ding fountain sa gitna. Ang ganda tingnan lalo na at alam nyang darating si Elise.

Sunod na dumating si Elise. "Min!" bati nya sabag takbo papunta kay Thalia sabay yakap. Parang mga bata lang ah. "Oy," tanong ni Remy, "ako den, pahug." Ngumiti si Elise at hinagkan si Remy. It felt like forever. Nakakamiss hagkan si Elise. Kelan ba nya huling nayakap to? Di na yon mahalaga. Ang mahalaga, nandito sila ngayon, masaya.

Nang maghiwalay, napansin ni Remy na may kasama si Thalia. "Sino sya?" tanong nito. Hinawakan nya ito sa balikat, "Si Adelaide nga pala, kapatid ko." Kumaway ito, "Addy nalang." Ngumiti sya at kumaway. Ngumiti din at kumaway si Remy. Nagpakilala sya, at nalaman na magkakilala na pala sila ni Elise.

Tsaka lang nila napansin na hindi pa dumarating si Sophia. Nang akmang tatanungin na, dumating sya. Agad syang dumeretso kay Addy at nag-abot ng isang bulaklak. "Nakita kita sa malayo," sabi nya, "kaya bumalik ako sa flower shop. Pasensya na at pinaghintay ko kayo." Napangiti si Addy at nagpasalamat.

Nang mapatangin sa paligid, agad na napamangha si Sophia. Ngayong nahihilig sya sa mga bulaklak, nakakatuwa para sa kanya ang isang malaking harding punong puno ng mga sari-saring bulaklak. Parang isang panaginip.

Nang maupo sa may fountain, tinanong nila si Thalia kung anong meron. "Si Addy na magsasabi," sabi nya. Halatang nahihiya si Addy. "Ano, kase..." sabi nya, "gusto ko sana kayong imbitahan sa open concert ng Ben&Ben. K-kung okey lang naman senyo."

Walamg nagsalita. Halos mapairit sa tuwa ang tatlo. Oh kay gandang araw. Parang panaginip lang.

Hard Truths, Lost VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon