Nagdaan ang isang araw, at wala paring syang balita sa kung ano na nangyari kay Elise. Hindi na talaga sya mapakali. Pinuntahan nya si Thalia para manigurado. Hindi na tama to. Nang makarating, kumatok sya sa pinto nila.
"Kuya Remy. Gabi na ah," bati ni Addy nang buksan ang pinto. "Hi Addy," sabi ni Remy, "nanjan ba si Thalia?" Tinawag ni Addy si Thalia, at nagulat ito nang makita si Remy sa pintuan. "Anong meron?" tanong nito.
"Nagparamdam naba si Elise?" tanong ni Remy, rinig ang kaba sa boses. "Kung magparamdam sya, sasabihin ko sayo diba?" sabi ni Thalia. "May sinabi naba ko sayo? Wala pa. Sayo ba may sinabi na?" "Wala ako dito kung nagparamdam sya saken," sabi ni Remy.
Malapit nang makumpirma na ang hinala nya. "Pwede mo ba kong samahan sa bahay nila?" aya ni Remy. "Remy, chill," sabi ni Thalia habang sinusubukang pakalmahin si Remy. "Hindi tayo sigurado," pilit ni Remy. "Baka may nangyari na sa kanya. Kaya pwede bang samahan moko papunta sa bahay nila?"
Pumayag si Thalia para kumalma na sya, at nagtungo sila sa bahay ni Elise. Nang makarating sa bahay, agad na kumatok si Remy. "Thalia, kamusta," bati ng mama ni Elise nang buksan ang pinto. "Bat kayo napatito?" Hindi na nag-atubili si Remy at nagtanong, "Nandito po ba si Elise?" Sinabi nila na wala si Elise don, at hindi pa sya umuuwi kahit na sinabi nya kagabi na uuwi sya.
"Sabi sayo nasa ospital lang yon," sabi ni Thalia nang makaalis sa bahay. "Baka may nalimutan lang yong papeles na ayusen kaya di nakauwi." Hindi parin mapakali si Remy. Meron talagang mali. "Puntahan natin sya sa ospital," sabi ni Remy. Kesa makipagtalo, pumayag si Thalia. Alam naman nyang kaya nagkakaganito si Remy eh dahil mahal nya si Elise.
Nang makarating sa ospital, agad silang pumunta sa opisina ni Elise. Nang subukan buksan ang pinto, nalaman nilang nakalock ito. Sinubukan nilang kumatok. "Elise?" sabi ni Remy habang nakatok. "Elise? Elise, please kausapin mo naman ako. Pwede ba?" Matagal silang ganon hanggang sa may napadana na nurse.
Nalaman nila mula sa kanya na dapat nandito si Elise kahapon ng hapon, pero hindi sya dumating. Lalo lang nagpanic si Remy. "Remy kalma," sabi ni Thalia, "naniniwala akong ligtas si Elise. Subukan pa natin maghanap."
Pumunta sila sa may flower shop nina Sophia. Wala rin sya don, at hindi nila alam kung saan sya nagpunta. Aunod ay sa parke. Wala rin. Nagtanong-tanong din sya sa iilang taong nandon, pero hindi rin nila nakita si Elise.
Sunod ay ang karinderya. Naisip ni Remy na dapat kumain si Elise dito kung di sya umuwi. Nang tanungin ang tindera, wala rin syang alam. Huli nilang pinuntahan ang mall at ang venue ng concert. Malaki yung lugar, kaya nagtagal sila. Sa wakas, wala parin silang nakita.
"Nako nako nako nako," sabi ni Remy, nanginginig sa takot at kaba. "Baka napano na sya. Elise? Elise?" "Remy, kalma lang," pilit na sabi ni Thalia. "Humingi tayo ng tulong sa mga pulis."
Nang kumalma si Remy, nagtungo sila sa pulis. Nang matapos si Thalia don, nadatnan nya si Remy sa labas na paikot-ikot, malakas ang paghinga. "Sabi nila tutulungan nila tayo," sabi ni Thalia. Kahit papano ay natigil si Remy sa pag-ikot at kumalma ng kaunti.
"Salamat, Thalia," sabi ni Remy. "Wala yon. Kahit naman ako, ganyan din gagawin ko," sabi ni Thalia. "Kung napansin ko lang agad ng mas maaga." Huminga si Remy ng malalim at sinabing umuwi na sila.
Nang makauwi, sinubukan ni Remy na matulog, pero hindi nya kaya. Ginugulo parin sya ng posibilidad na may nangyari kay Elise. Pero wala na syang magagawa. Sinubukan na nyang maghanap sa mga alam nyang lugar, pero wala parin. Aasa nalang sya sa mga pulis.
BINABASA MO ANG
Hard Truths, Lost Vows
Genç KurguHindi pala lahat ng gusto, mapapasatin. Hindi pala lahat ng plano, masusunod. Hindi pala lahat ng sumubok, magtatagumpay. Hindi pala lahat ng pangarap, matutupad. Hindi pala ng gusto natin, gusto din ng iba. Hindi lahat, at akala ko hindi tayo parte...