"Remy!" sabi ni Sophia nang makita sa di kalayuan. Patakbo tong lumapit kay Remy. "Akala ko magkasama kayo ni Elise?" tanong nya nang mahabol ang hininga. "Hindi eh," sagot ni Remy. "Bat ka pala nagmamadale?" "May sakit kase si Tita, kaya ako na muna namahala sa may bulaklakan," sabi nya sabay tayo ng ayos. "Eh baka mahuli ako, kaya eto. Napatakbo pa nga." Nagtawanan silang dalwa.
Magkasabay silang nagtungo sa venue. Napansin nila na sila nalang pala yung hinihintay, kaya mas nagmadali sila. Nakakahiya pala. Tinanong sila kung bat late sila at sumagot si Sophia. Napansin ni Elise na magkasama sila, kaya agad nya itong sinabe. Dineny naman nila. Wala naman talagang shemenekoni eberdung nangyare. Nagkasabay lang sila. Pero pansin ni Remy na may patutunguhan to kung hahayaan.
Malapit nang masimula ang concert, pero pansin ni Remy na hindi mapakali si Sophia. Siguro masama loob nito kase nalate nanaman sya, o baka iniisip nyang mag-aaway sina Remy at Elise dahil sa kanya, kaya bigla nyang sinabi, "Pasensya na talaga, nalate ako. Yaan nyo, kukuha ko ng makakain." "A-ako den, pasensya na," biglang sabi ni Remy sabay sunod kay Sophia. "Ako bahala sa inumin!"
Masyadong mabilis si Sophia, kaya hindi na nya nasundan. Pero namangha sya ng makarating sa likod. Ang daming mga tindahan. May shawarma, burger, pizza, street foods, at iba pa. Meron ding mga cola, tubeg, milk tea, palamig, at juice. Galing ah, parang palengke lang.
Syempre, sa dinamidami ng tindahan, eh kay rami din ng mga tao—mga magjowang naglalampungan, mga batang nakikikain lang ata, mga single na nagpapakabitter habang nainom o nakaen, at mga fans na siguro napagod kakasigaw kaya napakain muna. Kung tutuusen, sobrang sarap tingnan nun para kay Remy.
Pero mas mahalaga yung mahanap nya si Sophia. Baka mapano yon. Anong malay nya kung may manyakis na bigla syang hipuan tas gahasaen. Oo, parang sobra naman ata yon, pero sa panahon ngayon, kailangan na nating masanay na posibleng mangyari to, diba?
Medyo natagalan sya kakahanap, nakalimutan na nga nyang bumili ng maiinom. Baka hinahanap na sila ng iba, kaya kailangan nya nang magmadali. Saan naman kaya sya pwedeng pumunta? Agh, mas mahirap pa pala to kaysa sa inaasahan nya. Bukod sa madaming tao don, di nya alam kung anong pagkain ang bibilhin non, kaya di nya alam kung saan magsisimula.
Naisip nyang walang mangyayari kung mag-iisip sya lalo, kaya nagsimula nalang sya sa pinakamalapit hanggang sa pinakadulo. Sa sobrang dami ng tao, pakiramdam nya inaabot sya ng isang oras para lang makasilip sa isang tindahan.
Pag nilahad ang damdamin, sana di magbago'ng pagtingin.
At ayun, napangiti sya. Si Sophia, sa may pila sa shawarma! Medyo maluwag don kaya agad syang lumapet.
Aminin ang mga lihim, sana di magbago'ng pagtingin.
Nang akmang tatawagin na, bigla syang nabunggo ng kung sino, kaya napayakap sya kay Sophia at nahulog sila. Ang ending, nakahiga si Sophia habang nakapatong sa kanya si Remy. Hoy, aksidente yon. Wag kang malaswa, ha. Wag ngayon.
Subukan ang manalangin, sana di magbago'ng pagtingin.
Baka bukas, ika'y akin. Sana di magbago'ng pagtingin.Gusto nyang pumiglas. Pero may something na pumipigil kay Sophia. Alam nya nga na may bounds na sya ngayon, pero meron paring part nya na natutuwa na nagyari yon. Na humihiling na sana panghabambuhay na yon.
Pahiwatig, sana di magbago'ng pagtingin.
Pahiwatig, sana di magbago'ng pagtingin.Nung mga oras na yon, parang tumigil ang mundo. Tila ba ang meron nalang eh sya na nakahiga, si Remy na nakapatong sa kanya, at ang kanta. Sobrang sarap lasapin ng sandali. "Uy, tapos na yung kanta. Di nyo na ata naabutan," sabi ng isang babae, Tila ba nagising sa katotohanan ang dalwa. Napatingin sila sa pinanggalingan ng boses at nakita si Elise na nagpupunas ng mga luha.
"H-hindi ito yung iniisip mo," sabi ni Remy sabay tayo. Alam nyang may nakita si Elise, at siguradong may iniisip na tong di maayos. "Ma-magkukwento ako," sabi ni Sophia habang inaalalayan syang tumayo ni Remy. "M-mamaya na," sabi ni Elise. "Baka di nyo na maabutan yung sunod na..." Hindi na nya natapos ang sasabihin at agad na tumakbo pabalik.
BINABASA MO ANG
Hard Truths, Lost Vows
Teen FictionHindi pala lahat ng gusto, mapapasatin. Hindi pala lahat ng plano, masusunod. Hindi pala lahat ng sumubok, magtatagumpay. Hindi pala lahat ng pangarap, matutupad. Hindi pala ng gusto natin, gusto din ng iba. Hindi lahat, at akala ko hindi tayo parte...