Ibang-iba talaga yung pakiramdam ng hangin sa labas kesa sa hangin mula sa aircon. Gano na ba katagal mula ng nakalasap si Remy ng hangin mula sa labas. Nakakamiss pala sa pakiramdam. Ikaw ba naman, mga idang buwang nakatambay sa loob ng ospital.
Ngayong nasa labas na sya, sobrang dami nyang gustong gawin—mag-mall, maglaro sa may perya, manood ng sine. Basta, sobrang dame. Kung tutuusen, eto yung magiging first date nila ni Elise. Kaya dapat special talaga.
"So, first of all," sabi ni Thalia sabay takbo sa unahan at buka ng mga braso, "welcome back sa outside world!" Natawa si Remy, "Naks, parang lang akong lumabas sa bahay ni Kuya, ah." Nagtawanan silang lahat. "Nga pala," sabi nya sabay tingin kay Sophia, "Soph, salamat sa mga bulaklak." "W-wala yon," sabi ni Sophia na halatang namumula.
"Awit, kinikilig," sabi ni Elise sabag tawa. "H..." sabi ni Sophia, "h-hindi kaya." Sinubukan nyang takpan ang muka. Napangiti si Elise. Hiniwakan nya ang balikat ni Sophia, "Alam ko na. Alam kong may gusto ka dati kay Remy. Di naman sa gusto ko maging insensitive, pero gusto ko sana na maging close tayong lahat."
"Sige," sabi ni Sophia. Kahit papano eh gumaan yung pakiramdam nya. "Salamat sa pag-intinde," sabi nya sabay ngiti. "Sus, wala yon," sabi ni Elise sabay ngiti din. "Di naman ako possessive, pero medyo selosa." "EHHH!?" sabi ni Thalia. Sya nalang ata yung di nakakaalam na may history sina Sophia at Remy. Halatang-halata sa muka nya. "Naging kayo date?" tanong nya.
Nagtawanan silang tatlo. Napa-pout nalang si Thalia, "Wag nyoko tawanan, hmp. Eh sa di ako aware, eh." Nagtawanan nalang silang lahat. Nagpatuloy sila sa paglalakad, nang marinig nilqng kumalam ang sikmura ni Remy. Tumawa si Thalia. "Parang timang," sabi ni Remy sabay hawak sa tiyan. "Sige tawa lang. Pag ikaw talaga..." Tumawa lang sya ng tumawa. Nang biglang kumalam din ang sikmura nya. Tumawa si Remy. "Ang sama-sama mo, hmp," sabi ni Thalia sabay hawak din sa tiyan.
At dahil nga nag-iingay na ang mga sikmura nilang dalwa, naisipan nilang maghanap ng makakainan. Ibajg klaseng first date to, ah. Pero at least, first date. That's enough.
BINABASA MO ANG
Hard Truths, Lost Vows
Novela JuvenilHindi pala lahat ng gusto, mapapasatin. Hindi pala lahat ng plano, masusunod. Hindi pala lahat ng sumubok, magtatagumpay. Hindi pala lahat ng pangarap, matutupad. Hindi pala ng gusto natin, gusto din ng iba. Hindi lahat, at akala ko hindi tayo parte...