Ang dilim. Ng langit kahit may buwan, ng paligid kahit may mga bituin, ng kisame kahit may ilaw pa mula sa mga bintana. Lahat naman ng bagay makulay, eh. Kaso pag dumidilem, ibang usapan na yan.
"Hey, Jerald," tawag sa kanya ni Paxley habang niyiyugyog sya. "Jerald!" Nagising sa katotohanan si Remy. Napatingin sya sa tabi at nakita si Paxley na nakasimangot habang yakap nya ang stuffed airplane na si Rosie. Kung bat may pangalan yung eroplano, malay ko. Sya yung bata, sya may alam nyan.
Napatawa si Remy at hinalikan sa noo si Paxley, "How many times have I told you to call me kuya, buddy?" Umupo sya sa sofang hinihigaan at pinatabi si Paxley. Sumandal si Paxley sa kanya, "You know, you seem really sad." Nanlaki ang mata ni Remy. "Why'd you think so?"
"Well," sabi nya, "since you came home, Rosie told me there's these sad clouds that float around you. She told me you looked grumpy because of the sad clouds, so I thought you were sad. Dad seems to see the clouds as well, since he's worried for you."
Napangiti si Remy sabay yakap kay Paxley. Biruin mo, bata pa yung tutulong sa kanyang ngumite dahil lang sa napapalibutan sya ng mga sad clouds. "But aren't you supposed to be sleeping right now?" tanong nya. "A good boy sleeps at the right times everyday, Lee."
Niyakap sya nito, "But dad said good boys don't let others cry. So I came here with Rosie so we can make you smile." Inabot nya sa kanya ang eroplano. Agad itong kinuha ni Remy. Siguradong lalaking maayos tong batang to. Mabuti nalang at ganto sya pinalaki ng tatay nya. Sa bagay, walang magbabago kung buong oras syang wala sa sarile. Niyakag nya si Paxley sa kwarto nya at dun sila natulog.
Mula non, bihira nang sumagot si Elise kay Remy — mapatext, tawag, chat, o email. Oo, email. Kung sumagot naman, eh busy, pagod, o basta wala sa mood makipag-usap. Sa totoo nga lang, kung magpapatuloy to mas lalong lalala ang kaso.
At dahil isang mabuting kaibigan si Thalia, palihim nyang niyakag si Elise sa isang gala kasama si Remy. Naisip nyang kung di mag-aayos ang dalwang to, talagang walang mangyayari sa kanila.
At syempre, nagulat si Elise na nandon si Remy. Sinubukan pa nga nyang umales pero nahablot sya pabalek. "Nako fren, walang atrasan," sabi nya. Hindi mapakali si Elise sa pwesto, "Eh, b-bat ba kase di mo sinabing ka-kasama pala sya." "Sinong 'sya'?" tanong ni Thalia. "Sya," sagot ni Elise, ni hindi magawang tumingin.
Lumapit lalo si Thalia kay Elise, kaya napilitan syang sabihin ang pangalan ni Remy. Natawa si Thalia habang unti-unting lumalayo, "Pag sinabi ko ba, sasama ka? Hinde." Pinagtabi nya silang dalwa, "Kaya ngayon, maggagala tayo dito. Explore-explore, tingin sa loob, ganon. Kase kung di kayo mag-aayos, ako aayos senyong nga punyemas kayo, ha? Good."
Naglakad si Thalia papaloob, at sumunod nalang ang dalwa na hanggang ngayon eh di makamusta, mabati, o mahawakan ang isa. Jusko, sana magkaayos sila paglabas ng mall.
BINABASA MO ANG
Hard Truths, Lost Vows
Teen FictionHindi pala lahat ng gusto, mapapasatin. Hindi pala lahat ng plano, masusunod. Hindi pala lahat ng sumubok, magtatagumpay. Hindi pala lahat ng pangarap, matutupad. Hindi pala ng gusto natin, gusto din ng iba. Hindi lahat, at akala ko hindi tayo parte...