Chapter 6

53 6 0
                                    

Chapter 6

"Dale, lalabas lang ako sandali. Bantayan mo muna si Viviane." May hawak na book si Dale nang buksan niya ang pinto. As usual, nagbabasa na naman siya.

"Ano ulit, ate? Hindi ko masyadong narinig."

"Iiwanan ko muna kayo. Make sure na lock ang mga bintana at pinto and si Viviane, hintayin mo muna siyang makatulog bago ka bumalik d'yan sa room mo." Mahirap na at baka may makapasok.

"It's already late. Lalabas ka pa talaga, ate?"

"Sandali lang naman. Paki sabi kila ate, huwag na akong hintayin. May susi naman ako e." Mababait naman at talagang maasahan ang mga katulong namin dito sa bahay pero hindi sila masyadong nakikipag-close sa amin. Ewan ko ba. Basta they're just doing their job. Most of the time pareho silang seryoso. They're not friendly. Hindi kagaya ng mga maids kila Annavel na nakakabiruan ko minsan. Na-miss ko tuloy bigla sila Ate Yan at Ate Cherry.

Sinamaan ako ng tinggin ni Dale. Mukhang ayaw akong paalisin. May pagka-protective rin ang isang 'to e. I understand because it's already late kaso hindi niya na ako mapipigilan. Kailangan kong bumili ng regalo para kay Prince. Hinihintay na rin ako ni Cara sa mall. Kaagad akong nagmaneho ng motor papunta roon.

"Talaga? So, parang wala palang thrill?" Nandito kami ngayon sa bilihan ng mga toys. Binigyan ko siya ng update tungkol sa amin ni Viel.

"Meron pa rin. Papaasahin ko pa siya. Hindi pa naman kami e." I know parang playgirl ang datingan ng sinabi ko pero I'm not a saint. Alam kong mali ang ginagawa ko. "And a deal is a deal. Kailangan kong gawin 'yon para ma-date si Theo."

"Hindi na dapat kita hinamon sa challenge na 'yon. Habang wala ka pang ginagawa, stop na natin. Nakaka-guilty."

Napakunot ang noo ko. Anong sabi niya? "You know what, Cara? Ang gulo mo. What's makes you change your mind?"

Tiningnan niya muna ako, mukhang nagdadalawang-isip sa sasabihin. "I just realized na hindi dapat natin pinaglalaruan si Viel. Parang genuine naman siya sa feelings niya sa 'yo and besides that's what you want right? Iyon naman talaga ang goal mo kaya ka naghahanap ng lalaki. Now he's here. Bakit mo sasayangin 'di ba?"

I can't believe to hear those words from Cara. Wow. Just wow. Napailing ako habang natatawa. "Anong nangyari sa 'yo my dear friend? Are you sure you're okay?" I stopped laughing and look straight to her eyes. "What else? I'm sure you have another reason."

I saw how she gulped. Nag-iwas siya ng tinggin. "Theo... confessed to me."

Natigilan ako. I don't know how to process what she said. And when I did, I laughed.

"I'm sure you rejected him because you know I like him and we're friends. Hindi tayo ahas, Cara. And besides, you said you like Franco, that moreno guy from ABM." Sinubukan kong hintayin ang sagot niya pero nagbaba lang siya ng tinggin. "Cara? You rejected him right?"

"I'm sorry... we actually k-kissed."

Now I feel betrayed. Hindi ko gaaong kagusto si Theo but I can't believe kaya niyang gawin 'to sa akin. Hindi na ako nagsalita, ganoon din siya. Basta na lang akong kumuha ng laruan at ipinabalot 'yon. Dire-diretsyo akong lumabas sa mall na 'yon. Hindi na rin naman niya ako hinabol.

Dumaan ako sa isang sari-sari store para bumili ng alak at ilang crackers na pampulutan. Hindi naman kasi ako pagbebentahan sa mga convenience store dahil minor pa ako. Sa Valencia resort ako dumiretsyo. It's been a while since noong huli akong nagpunta rito. Medyo malayo sa bahay e tsaka busy. Kilala na naman ako ng mga staffs dito dahil best friend ko ang susunod na magmamay-ari ng resort na 'to. Hinatid ako ng isang staff sa isang cottage malapit sa dagat. High tide at malakas ang simoy ng hangin kaya feeling ko kulang ang jacket na suot ko.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now