1st

484 51 6
                                    

Dear Mr. Villamor,

I think your daughter stole my heart—literally "stole" my heart, sir.

Hindi ko alam kung anong eksaktong nangyari, pero habang gumagawa kasi kami ng cell model (project kasi namin 'to sa Biology at dahil magkasunod sa alphabet ang "V" at "W", no choice na ka-partner ko siya), bigla na lang akong nakatulog. Pagkagising ko kaninang umaga, nagulat na lang ako dahil 1.) puno ng green na poster paint ang mukha ko at 2.) may malaking butas sa dibdib ko kung nasaan dapat ang puso ko.

Akala ko po talaga 'nong una nananaginip lang ako, pero 'nong napansin ko rin 'to sa salamin parang gusto ko nang mahimatay. No offense po, sir, pero first time ko pa lang kasi nawalan ng puso kaya kung pwede lang sanang pasabi sa anak mo na pakibalik ito sa'kin. ASAP.

Pakisabi sa kanya na ipadala niya na lang po sa address na nakasulat sa likod ng envelope. 'Di ko sigurado kung magkano ang shipping fee ng mga organs sa LBC, pero kahit bayaran ko na lang sa kanya through GCash.

Maraming salamat po, sir!

Ang binatang umaasang maibabalik pa ang puso niya,

Hale Williams

✔Letters to a Heart Stealer's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon