Dear Mr. Villamor,
NAHANAP NA NAMIN YUNG ANAK MO, SIR! (Hindi po ako galit, naka-all caps lang talaga ako tuwing intense na 'yong mga nangyayari para dama)
Hindi ko alam kung maipagkakasiya ko lahat sa isang letter pero susubukan kong ikwento 'yong condensed version ng istorya...
Naaalala mo pong hiniram ko 'yong itim na librong parang limang kilong bigas mula sa library noong nakaraang buwan, 'di ba? Isasauli ko na sana kanina dahil inaamag na sa dorm namin at baka hinahanap na ng bugnuting librarian. Mahirap na dahil baka isumpa niya ako kapag hindi ako nagbalik ng libro. Anyway, I was walking back to the library with the heavy book in my backpack when I spotted her rush inside. Naka-disguise pa talaga siya kahit na halatang-halata namang wig lang 'yong suot niya.
'Di naman po ako killjoy kaya imbes na tumawag ng pulis at sabihing "mga lods, ninakaw ng babaeng 'to ang puso ko!", nag-ala-secret agent na lang ako at sinundan siya. Doon ko nalaman na mahirap po palang maging spy kapag may dala-dala kang pabigat, pero bukod sa inabot kong back pain, kinaya ko naman.
Sinundan ko siya hanggang sa dulo ng library. Tahimik lang akong nagtago sa likod ng ilang almanac habang pinapanood siya. Muntik na po akong nakatulog dahil ilang oras din siyang nanghahalungkat lang ng mga libro doon. She looked so frustrated and desperate. Dumating na po 'yong punto naaawa na ako sa kanya at gusto ko na siyang tulungang hanapin ang kung anumang hinahanap niya, pero tuwing naalala ko po 'yong ginawa ng anak niyo sa'kin, nagiging bato ang puso ko (figuratively).
Noong sumuko na siya, doon na ako lumabas sa hiding spot ko at lumapit sa kanya. Sir, I confronted your daughter and demanded her to give me my heart back when
BINABASA MO ANG
✔Letters to a Heart Stealer's Father
Paranormal[ An epistolary novel ] Dear Mr. Villamor, I think your daughter stole my heart-literally "stole" my heart, sir. --- (Complete)