Dear Mr. Villamor,
Sir, hindi naman po sa nagsusumbong ako sa inyo pero... ilang araw ko nang 'di ma-kontak ang anak mo :(
Hindi na rin po siya pumasok ng school at sa huli, ako na rin po tumapos ng project namin nang mag-isa. And no, I have no problems with that since I like painting even though I hate Biology, pero sana naman ibalik na lang niya ang puso ko. Hindi ko na rin kasi alam kung paano ko itatago sa mga ka-dorm ko itong butas sa dibdib ko.
Since Sunday evening, they started noticing my odd choice of clothes. Kahapon, kahit na pakiramdam ko tinutusta na ako sa impyerno dahil sa init ng panahon, nagsuot pa rin ako ng makapal na t-shirt. I get anxious whenever I wear a thin one because the hole becomes a bit visible. Eh, gago pa man din ang mga kasama ko, lahat na lang napapansin nila. Lalo na 'yong si Ray? Langya.
Anyway, I hope you can remind your daughter that stealing hearts is a bad—and definitely not normal—thing to do.
Maraming salamat ulit, sir!
P.S. sorry sa mura.
Nagmumura pero hindi kayang magmahal,
Hale Williams
BINABASA MO ANG
✔Letters to a Heart Stealer's Father
Paranormal[ An epistolary novel ] Dear Mr. Villamor, I think your daughter stole my heart-literally "stole" my heart, sir. --- (Complete)