Dear Mr. Villamor,
Kakagaling ko lang po sa Bibliotheca de Eastwood—'yong local library na parang langit sa dami ng mga libro? Dapat talaga maghahanap lang ako ng references para sa ginagawa kong thesis, pero habang nagkakalkal ako sa mga lumang libro sa pinakadulong bookshelf, may nakita akong kakaiba.
Kakaiba = isang librong itim na kahawig ng mga nasa pelikula.
Mabigat siya, sir. Sobra. Mga kasing-bigat siguro ng limang kilong bigas!
Akala ko nga makakalasan na ako ng mga braso 'nong binuhat ko siya papunta sa pinakamalapit na mesa. Nasermonan pa nga ako ng librarian dahil ang ingay ko raw 'nong nilapag ko 'yong libro.
Tuluyan ko nang nakalimutan 'yong thesis ko nang buklatin ko 'yong libro.
Doon ko po nabasa ang tungkol sa mga "Heart Stealers" sa bayan ng Eastwood.
Sir, alam mo po bang isang Heart Stealer ang anak mo? Namana niya po ba sa lahi ninyo? Kaya ba hindi naka-rehistro ang pamilya ninyo sa Eastwood City Hall?
Err...okay, I'll stop asking questions now.
Hiniram ko po pala 'yong libro kaya malamang pagkatapos kong isulat 'to, magpupuyat ako sa pagbabasa.
Isang linggo na rin pala mula noong nawalan ako ng puso, sir. Pakisabihan naman po ang anak ninyo.
:(
Nalulungkot pero puno ng kuryosidad,
Hale Williams
BINABASA MO ANG
✔Letters to a Heart Stealer's Father
Paranormal[ An epistolary novel ] Dear Mr. Villamor, I think your daughter stole my heart-literally "stole" my heart, sir. --- (Complete)