16th

126 36 2
                                    

Dear Mr. Villamor,

Nagpunta siya sa Eastwood Cemetery.

Sa lahat ng lugar na pwede niyang puntahan, bakit doon pa? Hay. Hindi ko na po talaga maintindihan ang anak mo, sir. Nang maabutan ko siya kanina doon, nakaupo lang siya at umiiyak.

Hindi ako 'yong klase ng taong marunong mag-comfort tuwing may nakikita akong babaeng umiiyak (madalas kasi ako pa 'yong nagpapaiyak sa kanila hahaha jk), pero sinubukan ko pa rin siyang lapitan.

When I successfully sat next to her without any casualties, nakahinga ako nang maluwag. Tahimik lang siya, kaya tumahimik na rin ako. Sometimes silence can be comforting too, right?

Hindi ko alam kung gaano katagal kaming nakatambay roon, pero noong tuluyan na siyang tumahan, she stared blankly ahead and whispered, "I'm sorry for stealing it."

"Really?"

"Really." A sad smile graced her rosy lips.

Tatanungin ko pa sana kung nasaan na ba ang puso ko nang bigla niya akong hinalikan sa pisngi bago siya naglakad papalayo, papalabas ng sementeryo. To say that "I was stunned" is definitely an understatement. Hindi ako nakakilos hanggang sa tuluyan na siyang naglaho sa paningin ko.

Iniwan niya akong mag-isa, lalong naguguluhan, at puno ng mga tanong ang isip.

'Wag ka sanang magalit, sir... Pero pakiramdam ko crush ako ng anak mo, hehe.

And before you hunt me down (but I guess it'll be easy for you since my address is written on the back of the envelope), I just wanted to apologize for my behavior. No, I don't hate your daughter and I don't want to throw her off the London bridge anymore.

Pero sana ibalik na po niya ang puso ko, please lang.

Nagmamakaawa pero walang magawa,

Hale Williams

✔Letters to a Heart Stealer's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon