15th

127 36 5
                                    

Dear Mr. Villamor,

Masama bang sabihing naaawa ako sa anak mo?

Opo, mas nanaig na yata ang awa. Hindi ko lang kasi talaga maatim na natutulog siya sa lugar na 'yon. May nanay ako at mga pinsang babae, kaya siguro umiral ang pagiging overprotective ko.

Though when I brought her back to my dorm, I still gave her the cold shoulder.

Pero ang nakakatawa, noong pumasok siya ng kwarto ko, nataranta siya nang makita 'yong itim na libro. Doon ko naalalang hindi ko nga pala ito naibalik noon dahil nag-spy ako sa kanya. Anyway, your daughter started skimming through the pages, ignoring my questions, again.

Noong nainis na talaga ako, I grabbed the book from her and asked again but I guess your daughter really is trained in being a pain in the ass.

Inagaw niya sa'kin ang libro at sinigawan ako. Habang tumatagal, lalo siyang nahi-hysterical. Bakit ko raw kinuha 'yong libro sa library...bakit daw hindi ko binalik agad...bakit daw nakikialam pa ako sa buhay ng mga Heart Stealers.

Tangina. Siya pa talaga ang galit? Ako na nga 'yong nawalan ng puso at halos maging suki na ng school clinic, pero siya pa 'yong galit?

One snarky comment escalated to another, until we found ourselves shouting at each other's faces.

Siguro napikon kaming pareho.

Siguro hindi na namin nakayanang magpanggap na wala lang ang lahat.

At siguro may hangganan ang awa ko sa kanya.

I don't know, sir. I don't know what to do anymore. Ang malala pa rito, noong natapos niyang basahin ang huling pahina ng libro, bigla siyang humagulgol ng iyak at tumakbo palabas ng dorm.

As frustrated as I am with her, I put on my jacket and ran after her.

Saan kaya siya pupunta? Tsk.

Naiinis sa anak mong hindi ko maitatangging may hitsura,

Hale Williams

✔Letters to a Heart Stealer's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon