17th

123 38 1
                                    

Dear Mr. Villamor,

Hindi sana ako papasok ngayon kasi pakiramdam ko tuluyan na akong nawalan ng lakas. Matutulog na lang sana ako o manonood ng Trese sa Netflix nang bigla akong binulabog ng tawag ni Ray.

Sa normal na sitwasyon, hindi ko papansinin ang isang 'yon dahil alam kong puro tsismis lang ang ibabalita niya sa'kin, but what he said made my eyes bulge out of their sockets...

"Pre, pumasok na siya! Hinahanap ka nga niya, eh. Gago, sanaol hinahanap ng mga babae. Hay, buhay!"

Dahil doon, sir, nalaman kong kaya ko palang maligo, magbihis, at ayusin ang buhok ko sa loob ng sampung minuto. "Record breaking time", kumbaga. Siguro kung normal na ganito ako kabilis nag-aayos, baka naging proud pa sa'kin 'yong nanay ko noong elementary ako.

Nang makarating ako sa school, doon ko nalamang may pakinabang talaga ang pagiging tsismoso ni Ray.

Your daughter sat on a bench near the school building, waiting for me. Noong magtama ang mga mata namin, malamang bumilis ang tibok ng puso ko kung nasa akin pa sana 'yon (hindi po ako bitter, ha?). Naupo ako sa tabi niya at napaka-memorable ng naging pag-uusap namin...

"Hi."

"Hi."

"Hello."

"Hello."

Ang awkward, langya.

Sa huli, nagulat na lang ako noong inaya niya akong pumunta sa bahay niyo pagkatapos ng klase namin. Buong araw na hindi maalis sa isip ko ang bagay na 'yon, at aaminin ko naman pong kinakabahan ako sa mangyayari. Syempre, kinakabahan rin akong makilala ka, sir.

Baka kasi pagkapasok ko pa lang ng pinto, habulin mo na ako ng itak, eh.

Kinakabahan,

Hale Williams

✔Letters to a Heart Stealer's FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon