Dear Mr. Villamor,
Naubusan ako ng space sa huli kong letter kaya naputol.
Sige, take two...
Sir, I confronted your daughter and demanded her to give me my heart back when she pushed me away and ran out of the library. Hindi ko talaga malilimutan 'yong gulat at takot sa mga mata niya noong nakita niya ako. Hindi ko na muna pinansin ang saway sa'kin ng librarian nang hinabol ko siya.
I chased her down the busy streets of Eastwood, even though I was out of breath and my body felt like it was about to give up on me any minute.
Sir, hindi ko na po siya naabutan. Hindi ko alam kung naging advantage ba sa kanya 'yong pagiging athlete niya o talagang parang lantang gulay na ang katawan ko.
I returned to the dorm, pissed off and concerned about her.
Sir, excuse me lang po pero minsan gusto ko na talagang ihagis mula sa London bridge ang anak mo. Bakit ba niya 'to ginawa sa'kin? Does she really want me to suffer? Does she sleep comfortably knowing that she stole the heart of the only guy in school who had the guts to smile at her?
Ang hirap intindihin ng anak mo, sir... At habang tumatagal, nahihirapan na rin akong makipagsapalaran sa parusang binibigay sa'kin ng butas sa dibdib ko.
Sana naman makonsensiya na siya.
Hindi na naubusan ng space,
Hale Williams
BINABASA MO ANG
✔Letters to a Heart Stealer's Father
Paranormal[ An epistolary novel ] Dear Mr. Villamor, I think your daughter stole my heart-literally "stole" my heart, sir. --- (Complete)