I got nothing to read

217 3 0
                                    

Panimula:

Hindi ito purong kape na nakagawian ng inumin ng lolo't lola mo tuwing umaga. Hindi rin ito empi lights na tinatagay mo kapag may katuwaan o di kaya'y malungkot na pangyayari. Hindi rin ito cobra energy drink na iniinom mo tuwing mag wowork out ka sa gym. Bagkus, makakagawian mo din itong dalaw-dalawin pag may time kang mag basa at mag lakbay patungo sa isang istoryang hindi mo alam kung totoo o di kaya'y tinitrip ka lang. Ito ay isang compilation ng mga random na kwento. Madalas puro tungkol lang talaga sa mga karanasan ko sa buhay.

Warning: Contains high amount of reality in life.

........................................................................:................................

Untold story: The misadventures of the "Nevermind" faction.

Noong Elementary palang ako ay madalas kaming gumala ng partners in crime kong sila Romel, Evonel, Jayson, at ian. Madalas naming tambayan noon ay ang Target Mall na hindi gaanong sikat at kalahating kilometro lang ang layo mula sa paaralan namin. Sa tuwing tutunog ang bell sa tanghali ay hudyat din ng pag kumpulan naming magbabarkada sabay didiretcho na kami sa Target. Nagmimistulang feeding program ang mga "free taste" stand sa supermarket dahil sa pabalik-balik naming pagkuha ng pagkain. Maya-maya pa'y darating na din ang gwardya upang itaboy kaming mga asungot at magwawatak watak kami upang hindi mahuli ng gwardya,,. Kapag nakalayo na kaming lahat ay lilingon kami at .sabay-sabay naming papakyuhan ang makupad na guard. Ganyan nga kami ka hardcore sa kalokohan noon. Kung pwede lang mag time machine para batukan ang sarili ko nung bata ako ay gagawin ko yon.

Isang araw may nagdala ng midium size na bola sa tropahan namin. Balak talaga naming maglaro ng basketball pagsapit ng uwian pero hindi na yon natuloy dahil sa isang aksidente na gumawa ng kasaysayan sa buong buhay ko. Tulad ng dating gawi namin ay bumalik nanaman kami sa Mall. Dinala namin ang bola para hindi manakaw. Wala masayadong tao noon at halos puro janitor at gwardya lang ang naglalakad sa mall. Sobrang nakakaantok talaga nung mga oras na yon dahil medyo malamig din yung aircon sa loob.- Pero ayaw talaga magpapigil ng makukulit naming kukote at may isang nakaisip ng trip.- Bumuo kami ng isang bilog at pinag-usapan ang aming plano.- Matapos ang ilang minuto ay nahati sa dalawa ang grupo. Sila Evonel, Romel, at Jayson ay Ipapagulong yung bola pababa ng escalator habang pataas yung takbo ng escalator kaya ang mangyayari ay matagal bago bumaba yung bola habang kami ni Ian ay maghihintay sa ibaba para kung sakaling tumalbog ito pababa ay masasalo namin pabalik sa kanila yung bola at uulit-ulitin namin yon hanggang magsawa kami. Pero ang nangyari ay hindi namin inaasahan. Matapos pagulungin ni Romel pababa ang bola ay bigla itong hinigop sa gilid ng escalator. Sumabog yung bola at sumingit sa loob yung ibang parte ng goma ng bola . Huminto yung escalator sa pag andar at lumairit ito ng napalakas na "SQUUUUUUIIIICK!!!". Tinakpan namin ang aming mga tenga sa sobrang lakas ng tunog pati yung mga taong nandoon ay nagtakip na rin ng tenga. Na-shock ang lahat ng taong nandoon sa mall. Lalo na kaming dalawa ni Ian na tulala parin sa pangyayari. Pag tingin ko sa taas ay nawala na sila Evonel, Romel, at Jayson. Tumakas na pala ang mga kumag habang kaming dalawa ni ian ay hindi makagalaw dahil napapaligiran kami ng mga gwardya. Nagkatinginan kami ni Ian at tila nagkaintindihan kaming dalawa. Nagkunwari kaming hindi magkakilala at naghiwalay kami ng direksyon. Dahan-dahan kaming naglakad papalayo sa mga gwardya at noong nakalabas na kami sa Mall humarurot na kami sa pag takbo pabalik sa school Halos hindi ko naramdamang mapagod habang tumatakbo dahil sa sobrang kabado ako na baka may sumusunod samin na mga gwardya. Sa mga oras na yon ay halos hindi ko maramdaman ang mga paa ko dahil sa sobrang init ng mejas ko. Hingal na hingal na ako habang papalapit sa gate. Naaaninag na ko na rin ang mga kumag na nauna nang tumakas.

" Mga tarantado! akala namin nahuli na kayo e" - Sabi ni Jayson

" Kami mahuli? Asa!" - Sabi ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Isinulat ng left-handed.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon