Chapter 7

40 5 0
                                    

Chapter 7

"V!" Tawag nang isang batang babae nang makita si Viviane. Kumaway pa ito at sumenyas na lapitan siya. Tumingin naman sa akin ang kapatid ko na parang humihingi ng permission ko.

"Friend mo?" I asked. Pamilyar na sa akin ang batang 'yon, hindi ko lang alam na magkasundo pala sila ng kapatid ko. Naalala ko tuloy yung mga batang version namin ni Annavel. Parang kagaya nila kami.

Tumango siya. "Her name is Kershie."

"Ibigay mo muna kay Prince ang gift mo bago kayo mag-play ni Kershie." Ibinigay ko sa kaniya ang hawak kong regalo. "But huwag kang magdudumi ha."

Inilibot ko ang paningin sa paligid nang makaalis si Viviane. It was just a simple celebration kagaya ng sinabi ni Viel kahapon. Simple lang ang ayos at konti lang din ang bisita.

"Mary, tara. Kain na tayo." Aya sa akin ni Viel. Kaagad naman akong sumunod sa kaniya dahil gutom na din talaga ako. "Ang kapatid mo?"

"Dadalhan ko na lang siya. She's busy playing with her friend din kasi tsaka hindi naman niya mauubos." Iginala ko ang tinggin ko sa paligid pero hindi ko nakita ang mga hinahanap ko. "Where's Kuya Seo? Pati ang ibang pinsan mo ay wala rin dito."

"Umalis na ulit si Kuya Seo, may tumawag sa kaniya e. Wala rin ang iba kong pinsan hindi ko alam kung nasaan."

"Sayang. Magpapa-picture pa man din sana ako kay Kuya Seo. And I kind of expect that Kuya Kael or Wil would be here." Maybe next time na lang.

Nang makalapit kami kung nasaan ang handa ay lumapit sa amin ang isang babae. Malawak siyang ngumiti at inalok kaming kumain na. Maganda siya at maputi. Mahaba ang buhok at nakasuot ng baggy jeans at kulay puting top.

Kung hindi ko alam na nag-white si Viel dahil sa akin ay iisipin kong ang babaeng ito ang dahilan at gusto niyang paresan.

"Siya ang Mama ni Prince." Bulong sa akin ni Viel dahilan para manlaki ang mata ko. Siya ang Nanay na Prince na sinasabi ni Viel na katulong nila dito sa bahay?

"Viel, ang sabi ko pakainin mo ang bisita, hindi ko sinabing siraan mo ako."

"Hindi ah. Grabe ka naman sa akin."

"Nice to meet you po, I'm Mary." Pakilala ko at pilit ngumiti. "Don't worry, wala namang sinasabi si Kuya Viel na something bad about you."

"Ako naman si Hazel. Huwag mo na akong tawaging ate ha. Same age lang naman kami ni Viel." Nginitian niya ako pabalik bago tumingin kay Viel. Hindi ko nakita kung may ginawa ba si Viel kaya natawa si Hazel at hinampas siya sa braso pero hindi na 'yon mahalaga.

They seems close and the fact that Viel is a baby sitter of her son, even though she's just a maid here and Viel was one of her boss, I can't help but to feel a little jealous. Walang kaso sa akin ang pagiging maid. Marangal na trabaho 'yon. I suddenly feel insecure. 'Yung katawan niya... maganda pa rin kahit may anak na. While me, payat at hindi pa gaanong kagandahan ang itsura. Mas bagay sila ni Viel.

Dahil sa isiping 'yon ay napadami 'ata ang kuha ko ng pagkain. Tahimik lang ako habang kumakain at sinusubuan si Viviane. Magkasama kami ni Viel sa table at ramdam ko ang mga titig niya sa akin na pinili kong huwag pansinin.

Nawi-wirduhan ako sa inaakto ko. Wala naman akong karapatan magselos ah. At bakit naman ako magseselos? Hindi ko naman gusto si Viel. Bakit ako ganito? Why am I acting like this? Maybe because he said he admires me? Am I being territorial now?

"Ate, busog na po ako." Sabi ng kapatid ko pagkatapos niyang uminom ng tubig. "Pupuntahan ko po si Kershie. We will play again."

"Maya-maya uuwi na rin tayo ha. Huwag kayong lalayo sa paningin ko." Pinunasan ko lang ng tissue ang amos sa mukha ng kapatid ko bago siya pinayagang makipaglaro ulit.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now