Chapter 3: Announcement

24.2K 154 6
                                    

Chapter 3: Announcement

~Fretzie's POV

Try-outs na! excited na kami pareho ni Ann. Nakapagbihis na kami at iniintay nalang namin si Coach. Pero sabi nung team captain ay magwarm-up na daw kami. Sabi nila, Erich Gonzales daw ang pangalan ng team captain ng soccer team. 5th year student ng BS Chem. Engineering. Since first year daw siya ay active player na siya ng Agila team. Siya din daw ang Miss Freshman nung panahon nila, at crush din daw siya ng bayan. Halata naman e, ang ganda nya. Siguro kung lalaki din ako, magugustuhan ko din sya. Pero may balibalita na may something sakanila nung team captain ng boys, si Robi Domingo. Isa ring crush ng bayan! Oo, sobrang gwapo at hot nitong taong to. Napapanood ko na sya sa TV noon gawa ng Football Cups. At he's really an amazing player. Pero napansin kong wala ata siya ngayon at si Ms. Erich lang ang nandito.

Tuluy-tuloy na ang try-outs na nangyari. Sabay na kaming umuwi ni Ann sa dorm.

"Haay... kapagod." Sabi ni Ann.

~James' POV.

Di ako nakapanood ng try-outs nila Fretzie dahil pinauwi na ako ni Mom. Ano kayang nangyari kanina? Makakapasok kaya sya? Tapos biglang nagring yung phone ko.

"Hello? Who's this?" sabi ko sa caller sa kabilang linya.

"James. This is Prof. Malim, the coordinator of the student body." Sabi sa kabilang linya.

"Good evening po." Sabi ko.

"Good evening din. Kaya ako napatawag dahil we would like to ask you to be a candidate for the Mr. Freshman this year." Sabi ni Ma'am.

"Sorry Ma'am. I can't do it." Sabi ko sa kanya, kasi ayoko namang makasali at manalo dahil artista ako.

"Oh." Sabi ni Ma'am.

"But, I can be a judge, if you mind." Sabi ko.

"If that's your decision, why not?" sabi ni Ma'am.

"Oh sige po." Then she hanged up.

~Fretzie's POV.

Kinabukasan, mga 3PM. Nagpost na nang passers sa 1st screening ng Soccer try-outs. Nakita ko pangalan ko, pero wala si Ann.

She's Different, and that's why I love her. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon