<------------------------------------- VOTE VOTE VOTE
sorry readers natagalan, kasi ang dami kong ginawa ngayong week. stressful :|
tapos pasukan na next week, ayoko pa! T^T
25 votes before update.
100 na fans ko! pero bakit ang onti parin ng votes ko? Hmmm :/
Comment people. ^^
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Chapter 50: Meet Quen
~Enrique’s POV
Hello! Ako nga pala si Enrique Gil! My friends call me Quen. Isa akong freshman student sa ComSci. Nakakagulat ba ang paglabas ko dito sa storya na to? Haha. di ko nga rin alam na mapapasali talaga ako eh. Kasi di naman talaga ako friendly. More of loner type akong tao. Pero noong una palang, si Fretzie Joans Bercede ng Engineering department ay nabihag na ang puso ko. syempre, una ko syang nakita noong Freshman Night. Ang tagal na noh? Eh kasi naman, di nga kasi ako yung klase ng tao na mahilig mang approach.
Kaya nga nung sinabi sa booth namin na ang hahanaping bride ay si Fretzie, ako agad nagprisintang maghanap sa kanya. hindi lang kasi sa ganda nya, kundi nakikita ko na ang bait bait nya. di naman sa pagiging stalker, lagi ko lang kasi syang tinitingnan kahit sa malayo. Simula nung pagsosoccer nya, pati na rin yung pag aaral nya mag isa sa library. Hehe.
Ang saya ko nga nung kinausap nya ako. Yung boses nya, yung pagbanggit nya sa pangalan ko, yaaa. Di naman sa kabaklaan pero nakakakilig.
Nung kasal-kasalan nga nila nung superstar na si James, gusto ko nang tumutol. Pero nakakahiya. Pati sino naman ako? Ni di pa nga ako lubusang nakikilala ni Fretzie eh.
Ngayon, kasama ko sila Fretzie at Tricia. Si Tricia Santos na ang init ng dugo sakin. ewan ko kung bakit. Pero ang sarap nya kulitin. Nakakatuwa syang tignan pag nagagalit sya. Haha. bully ba? hindi naman. Nakakatuwa lang talaga sya.
“Bakit ba ang init ng ulo mo sakin, Ate Tricia?”
Tricia: “Eh bakit mo ba ako tinatawag na Ate?!!!”
Hahahaha. Kitams? Ang bilis nya mapikon. Nakunot agad yung noo nya tapos nanlilisik yung mga mata nya. hahaha.
Fretzie: “Oy Trish, wag mo na ngang awayin si Enrique.”
Tapos hinawakan ni Fretzie yung braso ko. waaaa! Feeling ko yung dugo ko lahat nasa mukha ko na!
BINABASA MO ANG
She's Different, and that's why I love her. [COMPLETE]
Teen FictionPaano pag pinagtagpo kayo ng tadhana ng pinakaayaw mong tao? Ang taong ito ay isang artista. At itong pinakaayaw mong tao ay dating gustong gusto mo? Pero dahil sa kaibigan mo, isinuko mo ang pagmamahal mo sa kanya. At nung pinagtagpo kayo ng tadhan...