Chapter 17: Fretzie's feelings

18.7K 105 9
                                    

Chapter 17: Fretzie’s feelings


~Fretzie’s POV.


After ng training, dumiretso ako sa girls’ room at nagpalit ng damit at nag-ayos ng gamit. Paglabas ko, biglang may tumawag sakin…

“Fretzie!” sigaw niya, napalingon naman ako.

-

-

-

-

-


“Uy, Sam.” Si Sam pala.

“Hatid na kita sa dorm.” Offer niya. Ah, okay lang. gabi na naman, malayo yung dorm ko. Pati, kaibigan ko naman si Sam bakit ko siya tatanggihan? Tumango na lang ako.

Habang naglalakad, nagkwekwentuhan kami. Tapos biglang…

“Ahhhhhhhh!” sigaw ko, pano ba naman? Namatay yung mga ilaw sa Campus. Shiiiiz, ang scary. Nawalan siguro ng kuryente, edi sa dorm din? Nakakatakot! Ang dilim, wala akong makita, kahit si Sam hindi ko makita.

“Fretz. Nandito ako.” Then bigla siyang humawak sa braso ko.

Habang naglalakad papuntang dorm ay nakahawak lang kami sa isa’t isa. Ah, hindi naman holding hands. Hindi naman ako papayag, kasi wala pa akong first noh. Hindi naman sa ayaw kong maging si Sam yun, pero… ewan! Magkaibigan lang naman kami eh. Pero I like Sam. I like him. Sa labas ng dorm…

“Ay, sige. Salamat Sam.” Bumitaw na ako sa kanya.

“Wala yun. Ikaw pa, ang lakas mo sakin.” Sagot nya naman. Huh? Di ko naintindihan yung huli nyang sinabi. Tsk, nevermind.

“Ge, goodnight.” Tumalikod na ako sakanya pero bigla niya akong tinawag ulit edi napaharap na naman ako sa kanya.

“Good night.” Nagulat ako. Sheet, ano yung ginawa nya sakin?!

Paki paliwanag nga?! Hinalikan ako ni Sam sa pisngi. Oo, hinalikan nya ako. Nagulat ako dun at nagwave na siya at umalis. Wah!? That’s my first! Ugh! Bakit si Sam? Pero okay lang, sa cheeks lang naman eh. Pati friends kami, remember?

~~~

Pumasok na ako sa dorm. Pagpasok ko sa kwarto, tatlong pairs of eyes ang nakatingin sakin.

“What?” sabi ko kala Tricia, Ann at Jenny.

She's Different, and that's why I love her. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon