Chapter 19: Ms. Champion
~James’ POV
Sobrang nasaktan si Kuya. Naramdaman ko yun. Umalis siya, iniwan nya ako. Di ko na siya sinundan kasi alam kong gusto nya mapag isa.
Nga pala, iniwan na ako ni Fretzie kasi first game na nila. Ang bait nya ata sakin ngayon. Napapasaya niya ako. ^_^
Unang game nila, panalo sila, kasi nakadalawang goal si Fretzie ko. Ano daw? Fretzie ko? Aaaay, James, mali yan. Assuming ka. Wala kayang gusto sayo yun. Ayaw nya nga sayo eh. Remember?
“Erich! What’s happening to you!!!” nagagalit na sigaw nung coach nila nung bumalik sila sa tent. Oo nga, feeling ko wala sa wisho to si Ate Erich. Siguro gawa nakita nya si Kuya? Ay? Masyado na ata akong pakielamero. Shhh. Quiet James. Kuya, alam kong mahal ka pa ni Ate Erich. Hihi. Ang kulit ko ba? Hyper ako, gawa ni Fretzie! Ang bait nya kasi sakin ngayon eh!
Wait, ang bilis ata ng oras? Or sobra lang ako makapanood kay Fretzie? Second at third game nila panalo sila gawa sa goals nya. Grabe, nakakain love sya lalo na pag naglalaro. Ang hot tingnan. Ay? Wag ganyan James. Masama yan! Hahaha.
Ow, abot din daw sila sa Championship. Nice naman oh. Ang galing talaga ng mga schoolmates ko. Hahaha. Syempre at si Fretzie.
“Fretzie!” tinawag ko siya pagkatapos nila mag huddle. Di ko akalaing lalapit nga sya sakin. Ah, nasapian ba to at ang bait sakin?
“Oh?” sabi nya. With a smile pa! akalain mo yun. Aw, so pretty Fretzie.
“Championship na pala kayo.” Napatagal ako bago makasagot. Wala kasi talaga akong dahilan kaya ko siya tinawag. Wala lang gusto ko lang. gusto ko lang siyang marinig, makita at makausap. Aaaaay. Kinikilig ba ako? Ang bading ko naman! Sino ba namang hindi kikiligin kay Fretzie, pag nakikita ko palang siya kinikilig na ako. Wait? Mahal ko na ba siya?
“Yup.” Sagot nya sakin. Pero bigla naman silang tinawag nung coach nila. Aw.
“Ah sige, James!” sabi nya. Wait Fretzie. Teka? Ano… hinila ko siya at…. Ano yung ginawa ko?
“Good luck.” Sabi ko sabay ngiti. Ano yung ginawa ko? Pati ako di ko mapaniwalaan. Hinalikan ko ba si Fretzie? Oo, hinalikan ko siya. Pero sa pisngi lang. kahit na! first kiss namin yun! Kung di man nya i- consider, aba? Mahal ata ang halik ni James Reid! Just kidding. I think gulat na gulat siya, pero atleast hindi nya naman ako sinampal. Haha.
Nagsimula na yung Championship. Matindi ang labanan, nakaupo lang ako at pinanonood si Fretzie. Este yung team ng school namin. Haha. Ay nako, bakit kasi si Fretzie pa ang nagustuhan ko? Alam ko namang ayaw nya sakin? Pero bakit? Ewan ko.
BINABASA MO ANG
She's Different, and that's why I love her. [COMPLETE]
Roman pour AdolescentsPaano pag pinagtagpo kayo ng tadhana ng pinakaayaw mong tao? Ang taong ito ay isang artista. At itong pinakaayaw mong tao ay dating gustong gusto mo? Pero dahil sa kaibigan mo, isinuko mo ang pagmamahal mo sa kanya. At nung pinagtagpo kayo ng tadhan...