Chapter 4: Textmate
~James' POV
Napili pala si Fretzie para sa Ms. Freshman. Naglalakad ako then nakita ko si Fretzie kasama yung mga kaibigan niya.
"Fretz, sa tingin mo, bakit kaya di napili si James?" sabi nung kaibigan niya. (Tricia)
"di ko alam." Sinagot ni Fretzie.
"kasi sinabi kong ayaw ko." Sumingit ako sa usapan nila. Halata sa mukha nila na nagulat sila sakin.
"Bakit?" tanong naman nung isa. (Ann)
"kasi mananalo lang ako pag sumali ako." Pag sagot ko sakanila.
"yabaaang." Sabi ni Fretzie mukang naiirita.
"gusto ko magbigay ng chance sa iba." Diin ko naman sakanya.
"Oh?" mataray na pagkakasabi sakin ni Fretzie.
"oo, kaya judge na lang ako." Sabi ko sa kanya na may konting pagyayabang. Ha-ha-ha. Fretzie, you're a dead meat. Ho-ho-ho.
"Judge!?" nagulat siya sa sinabi ko. Napatawa ako pero hininaan ko lang.
"Yup. Uh, nga pala Fretzie, congrats sa 1st screening sa try-outs." Ngumiti ako sa kanya.
"Salamaaaat!" pagalit niyang sinabi sakin tapos hinigit nya yung mga kaibigan niya paalis.
Naglakad lakad ako, kasi wala pa akong sundo. Pagkatingin ko sa may Laboratory ay may nakita akong listahan ng Lab Partners.
"Partner kami ni Fretzie? Alam niya na kaya to?" naglakad lakad pa ako, nang makarating ako sa dorm nila Fretzie. Bakit ako napadpad dito. Hm. Pumasok na ko, at nakita ko yung dalawa niyang kaibigan.
"Jameeeeees?!!" sabi nung isa, Ann nga ba yun.
"shh..." sabi ko. Baka may makakita sakin.
"Bakit ka nandito?" tanong nya.
"Uh. Hinahanap ko si Fretzie." Sabi ko sakanya.
"James, ikaw ba yan?! Bakit ka nandito?" sabi naman ni Tricia.
"ah.. hinahanap ko kasi si Fretzie." Sabi ko pa.
"Ah, sayang. Di mo naabutan. Umuwi sa kanila e. Bakit?" sabi ni Tricia.
"Ah ganun ba? Wala lang, may sasabihin lang sana ako," sayang naman, di ko naabutan. Ah alam ko na! "pwede ko ba makuha number niya?"
"Sure. Eto." Sabi ni Ann. Buti na lang mabait ang mga kaibigan nya. At nakuha ko din ang number nya!
"Salamat." Sabi ko, then umalis na ako. Agad agad kong tinext si Fretzie. Pero hindi ko muna balak magpakilala.
~Fretzie's POV
Pauwi na ako sa Cebu, para mag weekend vacation, namimiss ko na kasi sila Mommy, ang hirap talaga pag nawalay ka sa mga relatives mo, gawa ng studies. Nasa byahe ako nang biglang may nagtext sakin, unregistered number. Sino naman kaya to? Binuksan ko yung message.
~'hello, Fretzie. Ü' -
text sakin. Edi nagreply ako. Baka someone from the University to.
~'sino po ito? :)' -
reply ko. Hm. Ang bilis naman niya magreply. May reply agad.
~'your textmate :D' -
sabi nung person. Textmate ko?
~'textmate?' -
nagtaka naman ako.
~'yes. Just call me Mr. Textmate ü' -
sabi niya.
Grabe, ang saya naman niyang katext. Sino kaya to? Ayaw niya kasing magpakilala e. tsk. Magkatext kami buong weekend, di ko man lang siya kakilala, mabait naman siya. Gusto ko siyang makilala.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Comment po kayo. ^^
Thankyaaa for reading. :)
I'll update soon.
BINABASA MO ANG
She's Different, and that's why I love her. [COMPLETE]
Teen FictionPaano pag pinagtagpo kayo ng tadhana ng pinakaayaw mong tao? Ang taong ito ay isang artista. At itong pinakaayaw mong tao ay dating gustong gusto mo? Pero dahil sa kaibigan mo, isinuko mo ang pagmamahal mo sa kanya. At nung pinagtagpo kayo ng tadhan...