Chapter 45: Thank you

14.9K 98 13
                                    

<-------------------------------------- VOTE VOTE VOTE...

25 VOTES BEFORE UPDATE!

YEY! ang aga ko nakauwi ngayon, kaya mag uupdate ako!!!! Weeeeeeeeeeeee. :D

COMMENT KAYO PEOPLE AH. sobra kasing natutuwa ako pag binabasa ko comments nyo. ^__^

Ayaaaan. :D

Be A FAN!!! :P

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 45: Thank you

 


~James’ POV


Nandito na ako sa cafeteria ngayon. wala nang tao at patay na lahat ng ilaw. Nasan na si Fretzie?!

Nilibot ko yung tingin ko at nakita ko yung isang table. May nakalagay na bag dun at libro. Kilala ko yung bag na yun! Kay Fretzie yun!

Agad agad naman akong tumakbo dun sa table. Nakita ko yung cellphone nya sa bag nya! kaya pala di sya nasagot! Agad ko namang kinuha yung mga gamit nya at tumakbo na ulit sa may kitchen part ng cafeteria.

Pumasok ako. At ayun, nakita ko na yung freezer.


*creek creek*

Bakit ayaw magbukas nito?!!!


“Fretzie! NANDYAN KA BA?!”


*tok tok tok*


Nilaksan ko yung katok pero walang nasagot. SHIT!!! Ano nang nangyari sakanya?! Wala na akong magagawa kaya sinipa ko na yung pinto. Ilang sipa pa ay natanggal na yung doorknob. Agad agad naman akong pumasok sa loob.


Nilibot ko yung mata ko. at nakita ko si Fretzie… nakahiga na sa floor. Nilapitan ko na sya.


“Fretz. Fretz. Wake up! Can you hear me?!”


Hinawakan ko yung mukha nya! DAMN! Ang lamig nya! and she’s so pale! Tinanggal ko yung jacket ko at sinuot ko sa kanya. hinawakan ko yung kamay nya…. may pulso pa naman!

HAAAAAYYYY… kala ko mawawala na sya sakin…

She's Different, and that's why I love her. [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon