Part 1

96.6K 1.8K 106
                                    


"BALIW ka talaga, Pipay Pasaway!" tili ng kaibigan ni Pepper habang kausap niya ito sa cell phone.

"Akala mo hindi ako seryoso?" natatawa niyang tanong kay Linny.

"Kailan ka ba nagseryoso sa buhay? At kailan ka pa gumawa ng plano? Hindi ka nagpaplano. Sugod ka na lang nang sugod at kinabukasan, joint forces ang Avengers at Justice League na bahala sa iyo."

"Well, kailangang planuhin itong mabuti."

Napangisi si Pepper nang ibalik ang tingin sa pinapanood sa kanyang laptop. She was watching erotica for women. Okay, porn. Sa kailangan niya ng pointers, 'no? Ilang erotic stories na rin ang nabasa niya online. Sangkatutak na ring research tungkol sa pakikipag-sex ang ginawa niya.

"Naalala ba 'yan ni Radley? Kung hindi mo pa pinaalalang siya ang magbibigay sa iyo ng first kiss ay hindi niya iyon ginawa noon."

"Alam mo naman ang taong 'yon, palaging madaming iniisip at ginagawa. Kailangang i-remind lang at wala namang problema iyon sa kanya."

Kinilig si Pepper nang maalala ang kanyang unang halik noong debut niya. Isa si Radley sa 18 roses niya noon. Hinalikan siya ng lalaki sa mga labi sa likuran ng kanilang bahay. It was then that she boldly declared her feelings to him. Pero ang kumag, hindi naman siya sineryoso.

"Pepper, you're not in love with me," natatawang sabi ni Radley.

"Totoo!" pilit naman niya. "In love talaga ako sa iyo. Matagal na."

"Magkaibigan tayo. Tropa."

"So? Hindi ba puwedeng magkaroon ng feelings?"

"Akala ko ba walang taluhan?"

"Hindi ka naman officially kasali sa tropa namin, ano? Tuwing bakasyon ka lang naman napupunta dito sa San Roque."

"Ah. So, I am the exception?" amused na tanong ni Radley.

"Yes. At since ako ang leader ng tropa, ako ang masusunod."

"Kakaiba ka talaga."

"You bet!"

"But I don't want you to be my girlfriend, Pep. Ayokong magka-girlfriend, remember?"

"Dahil maglilibot ka sa buong mundo pagka-graduate mo ng college? Puwede mo naman akong isama. Bagot na bagot na ako dito sa probinsiya."

Pinisil ng lalaki ang kanyang ilong. "You don't know what you're saying, kid."

Inangilan niya naman ito. "Isang taon lang ang tanda mo sa akin. Maka-kid naman ito! Kaka-eighteen ko lang. Hindi na ako bata. Legal na nga akong makipag-sex."

"Huwag mong sabihing sa akin mo rin hihilingin 'yan?"

Hindi na siya nag-isip pa. Kailan ba naman siya nag-isip bago nagsalita? "Why not, coconut? Ikaw na ang first kiss ko, bakit hindi na rin ikaw ang maging first sexperience ko?"

Tumawa ito. "Baliw."

"Gago. Hindi ko naman sinasabing ngayon na. As if naman, kating-kati ako. Hindi pa ako ready sa mga ganyan, ano?"

"Okay, kung wala ka pang sexperience pagtuntong mo sa edad na twenty-five, call me."

Nanlaki ang mga mata ni Pepper. "S-seryoso ka?"

"Oo. Ipaalala mo lang."

"Okay, deal."

She just turned twenty-five the other day. Hindi na siya nagpa-party, humingi na lang siya ng pera sa kanyang mga magulang. Bumili siya ng bagong damit at sapatos, pati na purse at accessories. Sa darating na Sabado ng gabi ay magkakaroon ng party sa ika-sixty na kaarawan si Senador Emmanuel Silvanus, ang ama ni Radley. Pinadalhan siya ng lalaki ng imbitasyon at alam niya kung bakit. Isasagawa na nila ang usapan nila noon!

The Governor's Wife (New Edition) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon