Part 7

53.4K 1.7K 157
                                    



SA tulong ng bodyguard nito ay nakalapit sa kinaroroonan ni Pepper si Jaidon.

"Hi," alanganin ang ngiting bati nito sa kanya, parang tinatantiya yata siya. Pagkatapos ay walang sabi-sabing hinalikan siya nito sa pisngi.

Parang mga palakang napatakan ng unang patak ng ulan ang mga reporter. Umugong uli ang mga tanong.

Noon na nagsalita si Jaidon sa mga ito. "Yes, Pepper is my girlfriend and we need our privacy, please." Hinawakan siya nito sa baywang. "If you'll excuse us. Thank you."

Parang prinsipe itong bahagyang yumuko sa mga tao roon saka mabini siyang hinila sa loob ng bahay. Naiwan sa labas ang bodyguard at si Mica naman ay nakalabas na sa wakas mula sa bakuran.

"What the fuck, Jaidon?" nanlalaki ang mga matang bulalas ni Pepper sa lalaki nang nasa salas na sila. "A-anong girlfriend?!"

Hindi naman ito nayanig ng katarayan niya. Of course not. He was a lawyer and a governor, for shit's sake!

Nagpakawala pa ito ng over-confident na ngiti. "Kailangan pa ba kitang ligawan?"

Kung puwede lang sigurong lumuwa ang eyeballs niya mula sa sockets ng mga iyon ay namumulot na siya ng mga mata sa sahig.

"G-gusto mo akong maging girlfriend?"

"Yes."

Kumumpas ang mga kamay niya sa ere. "Nababaliw ka na ba?"

Ang maaliwalas na ngiti nito ay naging pilyong ngisi. "Nababaliw ako sa iyo. At alam kong ganoon ka din sa akin."

Napalunok si Pepper. She couldn't deny it—that madness, that erotic madness that was overpowering her even right now that she was in a messy situation. Standing close to this powerful man was giving her that tingling, delicious sensation once again.

Napaatras siya nang lumapit pa sa kanya si Jaidon.

"Idadahilan mo ba ang alak? Hindi na tayo lasing pareho ngayon. Lalong wala tayong hangover."

Napasinghap siya nang ma-corner siya nito sa dingding. "J-Jaidon..." she almost mewled when his body touched hers.

"We want each other, Pepper," mahinang sabi nito sa nanunuksong boses, humagod ang bibig sa kanyang leeg.

"Uuumph..." impit na daing niya nang padaanin nito ang mga daliri sa kanyang kanang braso pataas sa kanyang balikat.

"Just think. Maybe we can make this work," narinig niyang sabi nito bago siya siniil ng halik sa bibig.

She ground her body against his as their mouths fucked each other. Hindi na siya nag-isip, wala na siyang kakayahang mag-isip nang mga sandaling iyon.

Hanggang sa may narinig silang bumukas na pinto— ang pinto ng master's bedroom. Mabilis na itinulak ni Pepper si Jaidon pero mahigpit naman ang hawak nito sa kanyang baywang, ayaw kumawala mula sa kanya.

Galit na iniluwa ng pintong iyon si Fernan at nagmartsa patungo sa dalawa. "Wala akong pakialam kahit ikaw pa ang presidente ng Pilipinas, kailangan mong panagutan—"

"Pakakasalan ko po ang anak ninyo," mabilis na sabi dito ni Jaidon.

Muntik nang mag-collapse si Pepper.



PASULYAP-SULYAP si Pepper kay Jaidon habang kumakain sila ng tanghalian. Kaharap nila sa mesa ang kanyang ama na halos wala pa ring imik. Ang bodyguard ni Jaidon na si Anton ay nagpumilit na guwardiyahan ang pinto kaya hinatiran na lang ito doon ng pagkain.

She was being fascinated by the governor's calmness amidst this chaos. Kung tutuusin ay mas malaking kahihiyan dito ang eskandalong kinasasangkutan nila dahil isa itong pulitiko. Isa lang naman ito sa mga pinaka-popular na politician sa Pilipinas. Governor Jaidon Silvanus was even tagged as one of the most eligible bachelors in the country. Marami nang kilalang babae ang na-link dito; mga anak-mayaman at celebrities. Tapos biglang ngayon ay mababalitang girlfriend nito ang babaeng kaulayaw nito sa video scandal. Isang babaeng hindi kilala sa lipunan.

Napaparami tuloy siya ng subo ng pagkain.

"Kailan kayo pakakasal?"

Nagkatinginan sina Pepper at Jaidon sa tanong na iyon ni Fernan. Pati si Mica na kasalo nila sa pagkain ay natigil sa ere ang kutsarang isusubo sana nito.

"Sa lalong madaling panahon po," nakangiting sagot ni Jaidon.

"Hindi ako nag-aambisyon ng engrandeng kasal para sa anak ko. Ang gusto ko lang ay maging legal ang ugnayan ninyo. Ayoko ng kahihiyan. Matanda na ako at wala akong maipagmamalaking kayamanan kundi dignidad lamang, gusto kong baunin 'yan hanggang sa kabilang-buhay."

"Kung okay lang po sa inyong sa civil muna kami pakakasal para mas madali ang preparasyon. Saka na lang planuhin ang sa simbahan."

Juslord. Gigil na ininom ni Pepper ang isang basong tubig, dire-diretso. Hanggang sa naubo siya at lumabas ang likido sa kanyang ilong.

Hinaplos-halos ni Jaidon ang kanyang likod habang nagpupunas siya ng mukha. "'You okay?" mabining tanong pa nito.

Napatango na lang siya.

Nang matapos silang kumain ay niyaya niya sa kanyang kuwarto si Jaidon upang solo silang makapag-usap. Sa hallway ay narinig niya ang kanyang amang may kausap sa telepono. Siguradong ang kanyang Mama iyon, ibinabalita na dito ang tungkol sa kasalan. Napahinga naman siya nang maluwag dahil hindi na tunog galit ang boses ng kanyang ama, parang natutuwa at excited na ito.

"Bakit napunta sa kasalan ang lahat?" tulirong sabi ni Pepper kay Jaidon at naglalakad na paroon at parito. "Natakot ka ba sa tatay ko? Hanggang salita lang naman 'yun pagdating sa sindakan, wala sa lahi namin ang mamamatay-tao, Gov!"

"Ayaw mo ba?"

Natigil siya sa paglalakad at hinarap si Jaidon na nakaupo sa gilid ng kanyang kama. "Ganyan ka ba talaga? Magdedeklara ka muna ng gusto mong mangyari tapos saka ka magtatanong? Ni hindi man lang ako nakapiyok! Maryosep ka."

Tumayo naman ito at lumapit sa kanya. Kinuha nito ang kanan niyang kamay at ikinulong iyon sa mga palad nito. "Okay, then I'm asking you now. Will you marry me?"

Ilang beses siyang napakurap saka lumunok. Hindi naman natinag ang gobernador, diretso ang tingin sa kanya, naghihintay ng kasagutan. Positibong kasagutan. Dahil mukhang desidido talaga itong kumbinsihin siya, wala sa itsura nito ngayon ang uuwing bigo.

"S-seryoso ka talaga? O baka front lang ito sa press?" naitanong ni Pepper.

Samantalang ang kausap ay hindi man lang kumurap nang tingnan niya sa mata. "I'm serious, Pepper. Let's get married."

"W-why? S-saka, bakit ako?"

"Naisip kong panahon na para mag-asawa ako. At naisip ko ring iyon lang ang magiging paraan para makabawi ka sa pamilya mo. I saw the pain in your father's eyes, the same pain that I saw from my father."

Bakit nga naman hindi? Sa huwes lang naman sila pakakasal, hindi ba? Hindi sa harapan ng Diyos ang kanilang magiging sumpaan. Uso naman ang annulment at mabilis ang proseso kung maraming pera at magaling ang abogado. She could just quit anytime if it didn't work.

Isa pa, makakabawi na rin siya sa kahihiyan, mawawala na ang sakit na bigay niya sa kanyang pamilya. Ang pasaway na Genaro ay ikakasal na, lalagay na sa tahimik. Aalis na siya sa kanilang bahay, magkakaroon ng sariling buhay. Bagong buhay.

Wow. Nag-iisip din pala siya.

"Do you want me to persuade you first?" pilyong tanong pa ng gobernador. "Alam mo namang nagkakasundo tayo sa isang bagay."

Hinila ni Pepper ang kamay. Baka kung saan na naman mapunta ang usapan nila ng lalaking ito! Kung bakit napakadali niyang nadadarang pagdating dito.

"Oo na. Pakakasal na ako sa iyo."

The Governor's Wife (New Edition) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon