Part 4

59.2K 1.7K 47
                                    


PINAKIRAMDAMAN ni Jaidon ang sarili. Hindi pa siya lasing. At sa palagay niya ay hindi niya kailangan ang alak para makadama ng pagnanasa nang mga sandaling ito. The moment he saw this girl—this woman's bare back at the party was enough to stir his senses. Ang likod nito ang una niyang nakita kanina at naging interesado agad siya. Weird, dahil kadalasan ay ang legs at boobs ang nagbibigay ng sexual excitement sa kanya pagdating sa mga babae.

And what do you know? Si Pepper pala ang maalindog na babaeng iyon.

Nang makarating sila sa tapat ng beach cottage na tinutuluyan ng babae ay hindi naman ito umakyat agad sa tatlong baitang na hagdanan niyon.

"Makakabalik ka pa ba sa party niyan na hindi natutumba?" natatawa nitong tanong.

He sniggered. "You think I'm already drunk?"

"Medyo sumusuray na kaya 'yong lakad mo kanina."

"It's just the sand."

"Hmm, okay, Gov," parang hindi naman naniniwalang sabi nito.

"All right, I'm a bit tipsy," pag-amin na niya.

Ang totoo, namimigat na rin ang mga talukap ni Jaidon kahit hindi naman siya inaantok. Malayo sa antok ang pakiramdam niya ngayon.

"I just need to sit down for a while," sabi niya at natuon ang pansin sa gilid ng cottage na may rock garden at natatabingan ng mga puno ng ashoka at palmera.

Sa gulat niya, nilapitan siya ni Pepper pagkatapos nitong ihagis sa balkonahe ng cottage ang mga sapatos at bag nito. "Tulungan na kitang umubos niyan kasi baka bumulagta ka sa buhanginan kapag mag-isa ka lang na uminom."

"That's so sweet of you, Pepper."

Hinubad niya ang Barong Tagalog at inilagay iyon sa likod ng babae. Gusto man niyang nakikita ang makinis nitong balat ay ayaw niya naman itong sipunin kung sakali. It was late January, the night air was a bit cold.

Magkatabi silang naupo sa isang nakatumbang driftwood at salitang uminom sa bote ng Chivas Regal.

"Hindi mo ba gustong tumakbo uli?" pagbubukas ni Pepper sa usapan.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

Nagkibit ito ng mga balikat. Hindi niya naiwasang tumitig sa makinis nitong balat doon, sa batok... Damn it. Bakit ba kasi abot sila ng malamlam na ilaw mula sa mga streetlamp na nakahilera sa dagat? At kung bakit manipis pala ang tela ng kanyang Barong. Naaaninag pa rin ang balat ng dalagang hindi natatabingan ng damit nito. Pero kahit madilim pa siguro, hindi pa rin niya maiiwasan ang pagnanasang nararamdaman. Amoy pa lang ng katabing babae ay nababaliw na siya.

"Parang hindi ka kasi masaya nang mag-announce ang daddy mo kanina."

May nakapansin pala.

"Nabigla lang ako sa announcement, kasi wala pa sa usapan namin iyon na ipapaalam na sa public," pagsisinungaling niya.

He was a politician after all. Marunong din siyang magsinungaling.

Ang totoo, wala silang usapan ng ama para sa re-election. Hell, he didn't even want to be a governor in the first place! Napilitan lang tumakbo si Jaidon dahil tapos na ang tatlong term ng dating gobernador niyang ama at tumakbo ito para sa senado. Gusto nitong isa pa ring Silvanus ang umupo bilang gobernador ng Sinagtala. May tatlong pinsan siya sa nag-iisang kapatid na lalaki ng kanyang ama pero mas interesado ang mga ito sa pagpapatakbo sa negosyo ng kanilang pamilya. The Silvanuses owned the biggest international shipping line in the Philippines and the third biggest in Asia.

"Ah, ganoon ba?" Si Pepper ang umubos sa natitirang laman ng bote. "Mahirap bang maging governor?"

"Mahirap na hindi," magulong sagot ni Jaidon.

The Governor's Wife (New Edition) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon