PEPPER felt trashed when she woke up. Pakiramdam niya ay nananakit ang buong katawan niyang nakadapa sa kama ngayon, lalo na sa parteng ibaba ng kanyang puson. Of course she remembered what happened. She had sex for the first time. And she loved it.
Hindi niya napigil ang mapangiti nang maramdamang nasa tabi pa niya ang lalaking nakasiping. Ang lalaking nagbigay sa kanya ng isang uri ng kaligayahang alam niyang hinding-hindi mahahanap sa kahit saang sulok ng mundo. She remembered coming so hard she thought she had died.
"It's midnight," narinig niyang sabi ni Jaidon.
Maaga pa pala. Akala niya, nakatulog siya nang mahaba.
"Aalis ka na?" tanong niya, hindi tumingin sa mukha ng lalaki.
She quivered when he placed his hand on her back.
"Do you want me to leave?"
Nandoon na si Jaidon. Kailangan na niyang lubos-lubusin. Baka hindi na uli mangyari sa kanya ang ganito, ayaw niyang palampasin ang pagkakataon. Gusto niya uling makarating sa magandang lugar na iyon, isang lugar na parang kasinghiwaga ng isang panaginip.
Kasinghiwaga ng panaginip talaga? Nakatikim lang siya ng sex, naging poetic na siyang mag-isip?
"H-huwag muna," halos pakiusap niya.
Gumalaw si Jaidon, hinila pababa ang kumot sa kanyang katawan. Next thing she knew, he was showering wet kisses all over her shoulders and back.
Pepper felt like her body was being worshipped by him, every pore of her skin shivered with staggering pleasure. Nakakalula ang pakiramdam, nakakaubos ng hininga.
Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan ay imbes na makaramdam siyang may nawala sa kanyang katawan dahil hindi na siya birhen ay parang may nadagdag pa roon.
Madaling araw na nang tantanan nila ang isa't isa. Parang nalalango na si Pepper sa matinding sarap na tinamasa at hindi na niya matandaan kung ilang beses pang nagsanib ang kanilang mga katawan bago sila nakatulog.
Sumisikat na ang araw nang magising silang dalawa dahil sa tunog ng cell phone. May kinausap doon saglit si Jaidon saka siya binalingan.
"I have to go back to the hotel," paalam nito at mabilis na nagbihis.
"Okay," sabi lang niya, hinayaan niyang humulas ang kumot mula sa kanyang mga dibdib. Ano pang itatago niya sa lalaking ito? Nakita na nito lahat ang parte ng katawan niya.
"Pepper..." sabi nito nang maisuot ang ankle holster na may maliit na baril. Hindi niya mabasa ang ekspresyon nito sa mukha. Parang medyo natataranta yata?
"Yes?"
"We're in the news."
"H-ha?" Naguluhan si Pepper. "Anong news?"
"May nakakuha ng video sa atin noong nasa labas tayo ng cottage."
Napatayo siya bigla. "Ano?!"
"I HAD so much faith in you, Jaidon," galit na sermon ni Emmanuel sa panganay na anak.
Nasa loob sila ng suite nito sa Escape at hindi pa sila makalabas mula roon dahil nag-aabang ang maraming reporters sa labas ng hotel. Nasa kabilang suite naman ang kanyang Lolo at ayaw na nilang isali sa usapan. The man was already eighty-five years old, he wouldn't want to cause him any stress. Mataas ang expectation nito sa kanya mula pa sa kanyang pagkabata. And, sadly, ngayon yata niya ito bibiguin.
BINABASA MO ANG
The Governor's Wife (New Edition) PREVIEW ONLY
RomancePREVIEW ONLY. Complete and uncut version is available on my VIP group. Just search TheMandieLee in Facebook, message us if you're interested to subscribe. Political erotic-romance story. For adults only. Read warning first before proceeding.