NAKASUOT ng bulaklaking bestida si Pepper nang magtungo sa capitol building. Hindi niya tinanggal ang suot na oversized sunglasses hanggang sa makaakyat siya sa third floor kung nasaan ang opisina ni Jaidon.
Bahagya pa siyang nainis nang parang elevator na tumaas-baba sa kanyang kabuuan ang mga mata ng babaeng isa sa personal staff ng Governor's Office. Secretary ang posisyong nabasa niya sa ibaba ng pangalan nito sa nameplate sa mesa nito. Nasa trenta siguro ang edad nito; mapustora at maganda.
"May appointment po ba kayo, Ma'am?" sita pa nito nang sabihin niyang gusto niyang makita si Jaidon.
"No. Pero kilala niya ako."
"Your name po?"
Natuwa siya nang hindi siya nito mamukhaan. Nakatulong talaga ang pagtatago niya sa media. Isa pa, wala sigurong matinong latest picture o video na naipalabas ang press tungkol sa kanya. Medyo madilim 'yong makeout session nila noon ni Jaidon, galit naman siya noong nilabas niya ang mga reporter sa kanilang bahay. Isa pa ay nagbago siya ng hairstyle mula sa Japan. Now her hair was an inverted layered bob with a chestnut base color; and red and honey highlights.
Pinigil ni Pepper ang mainis sa sekretarya. "Hindi ba puwedeng papasukin mo na lang ako? I'm assuring you, I won't get you in trouble, Miss." Surprise dapat ang pagpunta niya doon. Kung sasabihin niya sa babaeng ito kung sino siya tapos ipapaalam nito sa gobernador, 'di palpak na ang plano niya.
May lumabas na matangkad na babae mula sa pinto ng opisina ng chief of staff. Mukhang nasa late thirties na ito pero sexy, may hitsura din; o baka pinaganda lang ng makapal na palitada nito sa mukha.
"Yes?" mataray ding sita nito sa kanya at isa pang may elevator eyes.
"I am here to see the governor, please," pigil ang pagtataray na sagot dito ni Pepper.
"I'm his executive assistant—"
"And I'm his wife," kumawala na ang pasensiyang sabi niya dito.
Mabilis pa sa alas-kuwatrong nagkumahog ang dalawang babae nang namaywang si Pepper. Napatayo pa ang sekretarya habang hindi magkandatutong mag-dial sa intercom. Kung ano-ano na yata ang napipindot.
"Ihahatid ko na kayo sa loob, Ma'am," napapahiyang sabi sa kanya ng executive assistant at akmang bubuksan ang pinto ng opisina ni Jaidon.
"Don't bother." Mabilis niyang binalingan ang sekretarya na akmang magsasalita na sa intercom. "Papasok na lang ako sa loob, Miss. Salamat."
Mag-isa si Jaidon sa opisina nito nang abutan doon ni Pepper. Maluwang ang silid, coffee brown ang kulay ng mga muwebles. May aquarium na built-in sa dingding na naglalaman ng isang malaking pulang arowana. Naalala niya ang nabasa niya tungkol sa isdang iyon, bihira lang daw ang ganoong kulay ng arowana at pahirapan sa pagbili. Hindi niya ma-imagine tuloy ang presyo.
"P-Pepper?!" Napatayo ang gobernador mula sa swivel chair.
"I'm home!" masayang bati niya at mabilis na lumapit dito.
Sinalubong naman siya ng lalaki ng mabilis na halik sa bibig.
"Hindi mo sinabing uuwi ka na," parang gulat pa ring sabi nito.
"Surprise, surprise!" pinasiglang sabi niya. Na-badtrip talaga siya sa dalawang babaeng iyon!
Jaidon looked happy to see her, but for some reason, he didn't look so very pleased. Baka ayaw nito ng sinu-sorpresa? Come to think of it, baka nga may mga inaasahan itong bisita ngayon, o kaya maraming appointments.
Kung bakit bigla-bigla na lang siyang nakaisip na umuwi.
"Ang babagsik ng dalawang guardia sibil mo," sumbong niya dito, hindi bumibitaw sa batok nito. "Ayun tuloy, napilitan akong sabihing asawa kita para papasukin ako dito."
BINABASA MO ANG
The Governor's Wife (New Edition) PREVIEW ONLY
RomancePREVIEW ONLY. Complete and uncut version is available on my VIP group. Just search TheMandieLee in Facebook, message us if you're interested to subscribe. Political erotic-romance story. For adults only. Read warning first before proceeding.