ISANG puting damit na Dolce and Gabbana ang isusuot ni Pepper sa kasal. Simple lang ang tabas niyon, stretch silk midi dress na lampas tuhod. Christian Louboutin naman ang kulay kremang wedding shoes na napili niya. Binili nila ni Jaidon ang mga iyon kasama na ang kanilang platinum wedding bands nang lumuwas sila sa Maynila. Nakaplano na ang lakad nila sa araw na iyon, mga contact ni Jaidon ang high-end boutique at jewelry store na pinuntahan nila. Na-pick up na rin nila ang dark gray na barong Tagalog na susuotin nito sa kasal galing sa isang sikat na fashion designer sa bansa.
"You didn't have to hurry, you know?" sabi sa kanya ni Jaidon nang nasa kotse na sila't papunta sa restaurant kung saan sila manananghalian.
"Hindi naman ako nagmadali, nagandahan ako sa unang nakita kong dress at kasya naman sa akin. Sa singsing naman, hindi ako mahilig sa alahas so wala ako idea kung ano ang maganda talaga kaya ikaw na lang pinapili ko," dahilan niya naman.
Sinulyapan siya ng lalaki saka nakangiti itong ibinalik ang tingin sa harapan ng kotseng minamaneho nito. "Akala ko nahihiya ka lang sa akin."
"Walanghiya kaya ako!" Napatawa tuloy si Pepper. "Pero ang totoo, medyo nahihiya rin ako sa iyo, Jaidon. Nakakamatay ang presyo ng mga pinamili natin. Que grabedad! Hindi mo naman kailangang gumastos nang ganoon sa simpleng civil wedding lang."
"Don't worry, personal kong pera ang ipinambili ko, hindi galing sa kaban ng bayan," biro naman nito.
"Loko. Alam ko naman 'yun!"
Gustong-gusto niyang nagbibiro si Jaidon kahit dry ang sense of humor nito, mas nakakapag-relax siya kasama nito at napapanatag ang loob niya. Nababawasan ang nararamdaman niyang kaba sa papasukin niyang isang malaking pagbabago sa kanyang buhay.
"I just want you to wear the best, Pepper."
She warmly smiled at him. Gusto rin niya ang mabuting pagtrato sa kanya ng gobernador. Kaya siguro malakas ang kanyang loob na ituloy ang mabilisang pagpapakasal, wala siyang maramdamang hindi maganda galing sa mapapangasawa.
"Thank you, Jaidon."
"Pagkatapos na ng kasal natin aasikasuhin ang pag-joint accounts natin. For the meantime, I will give you one of my credit cards, bumili ka lang ng kahit anong gusto mo."
Namilog ang mga mata ni Pepper. "Kahit ano talaga?!"
"Well, just don't max it out, of course. Baka mapilitan akong mangurakot."
Hinampas niya ito sa balikat.
Nakilala ni Pepper ang ilang malalapit na kamag-anak ni Jaidon na dumalo sa pinahandang salo-salo ng ama nito sa mansion ng mga Silvanus sa Quezon City. So far, okay naman ang pagtanggap ng mga ito sa kanya, may mga nagbigay pa ng mga regalo.
Naramdaman naman ni Pepper ang medyo malamig na pakikitungo sa kanya ni Senator Emmanuel Silvanus. Pormal kung kausapin siya nito, matitipid ang mga salita, matabang; ni walang kangiti-ngiti. Pero siguro ay mas maigi na iyon kaysa pakitaan siya nito ng hindi totoo. Ayaw niya ng mga plastic na tao. Saka inaasahan na niya iyon, nagpapasalamat na lang siya at hindi ito nagpapakita ng galit o inis sa kanya. Iginalang nito kahit paano ang desisyon ni Jaidon na pakasalan siya.
Natuwa pa nga siya dahil pinasundo sila nito sa helicopter sa Sinagtala. She couldn't really blame the senator. Malaking kahihiyan sa malinis na record ng pamilya nito ang nangyaring eskandalo. Dagdag pa na ibinalita rin ang paninigaw at pagmumura niya sa mga reporter sa labas ng kanilang bahay, lalo na ang panununtok niya sa isa sa mga iyon. Sabi ni Jaidon ay inareglo daw nito si Raffy Romero upang hindi magdemanda.
Nang oras na ng pagtulog ay hindi mapakali si Pepper at nahalata naman iyon ni Jaidon.
"What's wrong?" usisa nito nang nanatili siyang nakaupo sa gilid ng kama sa loob ng lumang kuwarto nito sa mansion.
BINABASA MO ANG
The Governor's Wife (New Edition) PREVIEW ONLY
RomantizmPREVIEW ONLY. Complete and uncut version is available on my VIP group. Just search TheMandieLee in Facebook, message us if you're interested to subscribe. Political erotic-romance story. For adults only. Read warning first before proceeding.