CHAPTER 01

66 12 24
                                    

Chapter 01

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 01

"MOMMY?! DADDY?!" Sigaw ng batang babae habang walang humpay ang paa at kamay niyang pumapagaspas sa napakalamig na tubig dagat.

Nangunot ang nuo ko nang makita ang napakaraming taong nang-hihingi ng tulong at ang iba ay palutang-lutang na lamang. Nag-aagawan pa ang iba sa suot na live vest. Nag-iiyakan ang iba at halos magkanda-lunod-lunod na.

May parte ng eroplano ang palubog na at ang iba ay nagkanda-pira-piraso na. Marami din ang nagpapa-lutang-lutang na kagamitan.

"Michaella! Michaella, anak?!"

Napalingon ako sa ginu-ong sumisigaw, napatulala pa ako ng mamukaan ko ito. Bahagyang napa-awang ang bibig ko ng mapag-tanto kung sino ito. "It couldn't be.." Mahinang bulong ko habang nag-uunahan sa pagpatak ang mga luha.

Kahit malabo ang lahat ng aking nakikita ay kilala ko at kabisado ko ang piguro ng aking Ama.

"Daddy, help!" Sigaw muli ng batang babae na kahit hindi malinaw sa akin ay alam kong nalulunod ito.

"Michaella, anak?" Sigaw muli ni Daddy na pilit na lumalangoy at nilalabanan ang mga hampas ng alon marating lang ang batang babae.

Nang makarating ay pilit niya itong sinusuotan ng life vest bilang suporta. Inilangoy ni Daddy ang bata patungo sa lumulutang na bagay at pinasampa ito duon.

Base sa piguro ng mga katawan nila ay parang may hinahanap si Daddy, palingon lingon siya at hindi kalaunan ay nakita ko ang bulto niya papalayo sa kaniyang anak at balak lapitan ang ginang na lulumulutang sa tubig. May suot na puting life vest kaya hindi ito malulunod.

Naramdaman ko ang pamamasa ng pisngi ko nang makita ko ang malaking alon na tatama kay Daddy, balak ko na sanang lapitan ito munit lalong lumabo ang lahat sa aking paningin.

"Micha? Hey, wake up!" Naramdam ko ang pag-yugyog sa' akin munit hindi nito nalamangan ang takot na nararamdaman ko.

"Daddy!" Bigla akong napabangon sa pag-kakahiga sa aking kama at malakas na napa-hagulgol. "Mommy.. Daddy!" Patuloy lang ako sa pag-iyak nang maramdaman kong may humawak sa magkabila kong balikat.

Napa-angat ako sa kaniya at walang sali-salitang niyakap siya sa kaniyang beywang at isinubsob ang mukha ko sa matigas niyang dibdib. "Hush, Micha? What happened? Are you dreaming.. again?" Hinaplos-haplos niya ang buhok ko ng tumango ako.

Nagpakawala siya ng magaan na hininga, at nang dahil duon ay hindi ko maiwasan na hindi maamoy ang mabango niyang hininga. "Anong nakita mo?" Muling tanong niya.

"Nothing! Everything is blur in my dream, Dwayne, and I hate it!" Muli akong mapahagulgol. "Wala akong maalala na kahit ano sa nakaraan ko, bakit ganuon?!"

FEARING MISTAKEWhere stories live. Discover now