CHAPTER 07

26 5 0
                                    

CHAPTER 07

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 07

"INAY! INAY!" Tawag ni Lovemir sa Inay niya nang makapasok kami sa kanila ng simpleng bahay.

Inilibot ko ang tingin ko sa kanilang pamamahay. Malinis at maayos ang mga gamit. Mayroon din silang TV, kaya lang ay may likod. Yung elictricfan nila ay nakatukod lamang sa kahoy. May isa silang kwarto at sa tabi noon ay CR na.

'Yung ding-ding nila ay nagbabaklasan, pero kapag nakapasok ka na sa loob nang bahay nila ay maganda. Naka-arrange lahat nang gamit at mga desnyong pangbahay.

"Anak? Nandito na kayo, kamusta?"

Napa-awang ang bibig ko nang makarinig nang pamilyar na boses. Lumabas doon ang hindi katandaang maputing babae. Niyakap niya ang dalawang anak at hinalikan sa ulo.

"N-nana Lian?" Napa-angat siya nang tingin sa akin at literal na nalaglag ang panga sa gulat.

"M-mimi?" Her eyes are full of tears.

Tumakbo ako papunta sa kaniya at yumakap. "Nana.." Umiyak ako sa kaniyang balikat habang mahigpit siyang niyakap.

"Alaga ko.." Umiiyak na din siya.

"Nana naman, bakit mo ako iniwan?!" Lumayo ako sa kaniya at pinunasan ang luha niya.

"Patawad, Mimi. Nagka-problema lang ang Nana." Tumango-tango ako.

Niyaya niya akong maupo sa kahoy nilang sofa at inutusan ang panganay na anak na kumuha nang pangbara at panulak.

Ang batang si Lavander ay nakatingin sa amin at mababakasan ang pagkagulat at pagkuryoso. Nang hindi nakapagpigil ay lumapit siya sa amin at kinalabit ang Inay.

"Inay, kilala mo po siya?" Tanong nito sa kaniyang Ina. Binuhat siya ni Nana at kinandong.

"Oo, anak. Siya ang alaga ko noong baby ka pa, siya yung lagi kong ikinukwento sa inyo nang iyong kuya." Nakangiting sabi ni Nana.

Nagliwanag ang mukha nang bata. "Talaga po?" Tumango si Nana.

"Aba't totoo nga pong napaka-ganda niya, Inay." Pagsingit ni Lovemir na kakalabas lamang nang kusina.

"Alam mo ba, Inay. Pinakain niya kami sa Jollibee!" Masayang ani ni Lavander sa kaniyang Inay.

"Talaga?" Tumango si baby Lavi at ngumiti sa Inay.

"Tapos sabi niya po ay tutulungan daw po niya si Itay! Ipapagamot daw po niya!" Napatingin sa akin si Nana na para bang hindi makapaniwala.

FEARING MISTAKEWhere stories live. Discover now