WARNING: READ AT YOUR OWN RISK! R18+ | SPG
MISTAKE G. SERIES #2 - RISING
Ella Peña is a very modest woman you will meet. But behind her modest behavior she also hides some ferocity. She is beautiful but she prefers the word cute, one of the reasons...
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
CHAPTER 05
SABI NILA, masarap daw sa pakiramdam ang makapag paginhawa ng nararamdaman ng ibang tao. At napatunayan ko iyon.
Sa ilang linggo na nakasama ko si Dwayne, naramdaman ko ang pagbabago niya. Hindi siya yung mga nakaraang araw na miserable tignan.
Kapag magkakasama kami ng mga kaibigan namin ay hindi niya ipinapahalata na miserable siya. At tulad na lamang ngayon. Nagkita-kita kami dito sa isang simpleng restaurant malapit sa condominium ko. Bihira na lang kasi kami magkita-kita kaya naisipan nila ito.
Naka-upo lang ako habang humihigop ng strawberry shake ko habang nakikinig sa usapan nila. Paminsan-minsan ay nakiki-sali ako at nagbibigay ng suhestiyon sa usapan nila.
"Tigilan mo ako, Trinny. Wala akong time na i-kuwento ang nangyari dahil ang walang hiya ay gi-nost ako!" Dinig kong sabi ni Zannah habang nanggagalaiteng sumipsip sa straw niya.
Napatitig kami sa kaniya. Nalaglag ang mga panga namin nung sinabi niya iyon. Mayamaya lang ay dumagundong na ang malakas na tawa ni Yanni na siyang nakapag-agaw pansin sa mga tao.
Lima kami nila Zannah, Trinny, Yanni at Jehlai na nandito sa lamesa habang naka-upo sa pulang couch ng resto habang nagtatawanan. Si Shawn at Dwayne naman ay umo-order.
It's Shawn and Dwayne's treat! At pabor na pabor iyon kay Yanni na tuwang-tuwa. Sila Yanni ay hindi naman mahirap o mayaman. May simpleng flower shop ang Mama niya at ang Papa niya ay isang full time job mechanic.
Anim silang magkakapatid at si Yanni ang panganay. Lima silang babae at isa lang ang lalaki sa kanila at yun ay yung bunso pang kinder.
Minsan ay gipit sila sa pera at nagkakanda utang-utang. Minsan pa ngang nahinto sa pag-aaral ang lima niyang kapatid dahil walang pera. Si Yanni naman ay ipinursige ng mga magulang niya dahil nga makakapag tapos na siya.
Minsan nga ay na-aawa ako sa kanila kaya kahit papaano ay inalukan ko sila ng pera. Nalaman nila Zannah ang bagay na pagbigay ko ng pera sa pamilya ni Yanni kaya naki-bigay na din sila.
Yanni accept are moneys and foods, umiiyak pa nga siya non nang dahil doon. Sinaktuhan pa nga na may sakit si Yanyan-ang sumunod kay Yanni-kaya na kapag pagamot sila kahit papaano.
"What?" Humarap sa amin si Trinny. "Tell me she's kidding? Right?!" Natatawang binatukan siya ni Yanni.
"Gaga! Narinig mo naman ang sinabi-may pa, she's kidding-she's kidding ka pa diyan." Yanni rolled her eyes and sip in her shake.