WARNING: READ AT YOUR OWN RISK! R18+ | SPG
MISTAKE G. SERIES #2 - RISING
Ella Peña is a very modest woman you will meet. But behind her modest behavior she also hides some ferocity. She is beautiful but she prefers the word cute, one of the reasons...
NAG-SALUBONG PA lalo ang mga kilay ko nang makitang tinanggal ng Sales lady ang tatlong bitones ng uniporme niya dahilan para makita ang hindi kalakihang cleavage nito.
Nginisihan niya ang mga kasama na tatawa-tawa siyang sinundan ng tingin habang papalapit siya kay Dwayne. "Hello, Sir. Are you looking for me?" Napasinghap ako ng makitang natawa si Dweyn. "Ow, I mean, looking for something?" Kimi siyang tumawa.
"Ah, yea-" Dwayne automatically cut his words when my eyes and his are met.
Nagtama ang paningin namin dahilan para hindi niya ma-i-tuloy ang sasabihin, sinulyapan ko pa muna ang Sales lady bago ko sila tinalikudan. Naghanap-hanap akong muli ng damit.
Hindi ko alam kung bakit ganito, basta ang alam ko ay na-i-inis ako sa kanilang dalawa ng Sales lady na iyon. Hindi naman kagandahan dahil puro kulurete ang mukha.
"Excuse me." Narinig kong sabi ni Dwayne. Ilang sandali ay naramdaman ko ang pagkalabit niya sa akin. "Hey? Are you don-"
"No. Just seat on sofa and wait for me there."
Muli ko siyang tinalikuran at sa kabilang bahagi naman ng stall nagpunta.
"Micha?"
Pero ang siraulo ay hindi nakinig. Dahil sinundan niya pa ako hanggang sa kabilang stall na ako nagpunta na mga tops ang inirerekominda. Napangiti ako ng makita ko ang kulay peach na may design na pink tulip.
"Hey, Micha?"
Kinuha ko iyon at lumapit ako sa malaking salamin. Sinukat-sukat ko iyon habang nakangiti, pero nagulat na lamang ako ng may na kumuha noon sa akin.
"Dwayne? Give it back to me!" I glared Dwayne but he just stare at me.
"Saan mo ito balak suotin?" Naguguluhan ko siyang tinignan.
"At my condo?" Naguguluhan pa din ako.
"Sa condo mo lang." Ibinalik niya sa akin iyon nang hindi ina-alis ang tingin sa akin kaya ako na ang nag-iwas ng tingin at tinalikuran siya.
Patuloy lang ako sa pagpili ng damit habang siya ay nakatanaw lang sa akin. Nadidinig ko siyang tinatawag ako sa pangalan pero mas pinili ko ang mag bingi-bingian na lang dahil naiinis pa talaga ako.
Kaya nililibang ko na muna ang sarili ko para naman hindi ko siya masapak sa sobrang inis ko. Magpapahupa na muna ako ng inis sa kaniya.
Nahinto ang kamay ko sa ere ng akma kong kukunin ang isang dress. Naestatwa ako sa gulat nang may pumulupot na braso sa aking tiyan at masuyo itong hinaplos.
"Bakit hindi mo ako pinapansin?" Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko ng bahagya nitong kinagat ang puno ng aking tainga.