MM's NOTE

5 2 13
                                    

MM's NOTE

My reasons why I can't publish some chapters nitong mga nakaraang buwan ay dahil nga sa phone na ginagamit ko. Nangailangan kame ng pera para sa pagpapa gamot ni Papa kase nag karoon siya ng saket sa balakang. Ang sabe ni Dra. Cruz na family doctor namin. Nung lumabas ang results ni Papa ay hindi daw kinaya ng bones niya malapit sa cheek butt ang bigat niya kaya kinailangan niyang mag bawas ng food lalo na pag dating sa rice. Sumabay pa ang pag taas ng high blood niya at nagkaroon din siya ng UTI.

Madalas na manakit ang balakang ni Papa at yung part na malapit nga sa cheek butt niya, which is yung bones sa butt. Hirap siyang tumayo at mag lakad lakad. Lagi siyang naka higa sa kama.

Kinulang kami sa pera at nagipit. Si Papa lang ang inaasahan namin dito sa bahay pero dahil nagkaroon siya ng karamdaman ay kinulang kame sa pera. Yung kinikita naman ni Mama ay hindi sa sapat kase nga para sa pang maintenance pa ni Papa at pagkain pa namin, di ba.

So that time, I decide to sangla my phone on shop na kalapit lang dito sa amin at kakilala din naman nila papa kaya mapagkakatiwalaan naman. Hindi naman kase mayaman si Author kaya kailangan ko din I-sacrifice itong phone ko.

After weeks and month, gumaling na si papa at nakaraos na den kami. Nakabalik na siya sa trabaho at nang ma-ayos na ang lahat ay nakuha na namin yung phone ko. Pero that time, sa module ko ibinuhos lahat ng atensyon ko which is one of the reasons why I didn't update.

Then, pumasok ang November 5, so I decide to continue writing. Pero, muli na naman ako nawalan ng gana nung isa sa pamilya ko ang nawala.

Naalimpungatan ako ng 4, I heard my parents talking about my grandfather. Dahil puyat ako ay wala akong naintindihan ni isa sa pinag usapan nila. Until I wake up again in 6 in the morning at ang bumungad sa akin ay ang mga salitang nag pasira ng araw ko.

"Wala na si tatay.." Si Mama

"Ano?" Si Papa

"Si tatay wala na, sabe ni Sally. Habang kausap ko si Tatay ay namatay ang tawag. Pero nung tumawag ulit si Sally ay ang sabe patay na daw si Tatay.."

Talagang nag pantig ang tainga ko sa narinig. Hindi ko namalayan na nakatayo na pala ako sa labas ng pintuan ng kwarto nila mama. Naiyak ako nung time na yon. Pero may na realize ako sa sumunod na sinabi ni Papa.

"Wag kang umiiyak, Ret. Ayaw mo ba nun? Makakapag pahinga na si Tatay? Hindi na siya makakaranas ng saket? Makakasama na niya si Nanay. Dapat nga matuwa ka pa. Kase hindi na niya mararanasan ang saket na naramdaman niya bago siya nag paalam?"

And that makes me realize. Walang permanente sa mundo. Lahat tayo mawawala o mawawalan. Hindi lahat ng gusto natin ay makukuha. Hindi lahat ng hiling natin na mabuhay pa ng matagal ay mai-ga grant ng panginoon.

Sa libro mayroong imposible, sa totoong buhay ay para sa aken ay wala. Kase lahat tayo, may hangganan. Lahat tayo may katapusan. Lahat tayo may THE END.

That day, November 12, 2021, my great grandfather had pass, time 5:47 am of Friday.

(DISCLAIMER: Hindi nagkaroon ng kahit na anong sintomas si Lolo ng kumakalat na virus. Si Lolo ay masyado ng matanda at hindi na kinaya. Last year ay nasabe niya na namimiss na niya si Lola. Ayaw niya mag padala sa pinakamalapit na hospital na meron sila sa bohol dahil alam niya sa sarili niya na hindi siya mapapatumba ng virus. Malakas ang kutob ko na kaya siya bumitaw ay para makasama na si Lola. Because for him, all things having a end.)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FEARING MISTAKEWhere stories live. Discover now