CHAPTER 03

47 10 13
                                    

CHAPTER 03

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

CHAPTER 03

"GOOD MORNING, Prof. Fhia!" Magiliw na bati ko ng makasalubong ko ang isa sa mga professor ng university na pinapasukan ko.

"Good morning, Ms. Peña." Pabalik na bati niya sa akin at ngumiti.

May edad na si Prof. Fhia pero halatang-halata pa din ang kagandahan niya. Mapulang labi, matangos na ilong, mahabang pilik-mata at maputi. Makinis din siya na akala mo ay suki siya ng kojic luxury simula nung kabataan niya hanggang ngayon. Pero dahil kilala ko si Prof. Fhia ay alam kong natural ang kulay niya.

Dumiretso pa muna ako sa locker area para ilagay duon ang ibang hindi ko kakailanganin para sa araw na ito. Mabilis lang naman lilipas ang araw na ito dahil alas-dos na nang hapon.

Napalingon ako sa locker ni Dwayne. Naalala ko na naman kung ano ang ginawa ng gago na iyon kagabi.

At hindi pa din talaga ako makapaniwala na ako mismo ang naghubad ng suot kong bra nang gabing iyon sa harapan niya. Ang sabi niya ay pilit daw niya akong sinusuotan ng damit pero ako itong makulit at ayaw mag-pasuot.

Ang totoo pa nga niyan ay sana'y akong hubut-hubad kapag natutulog. I can sleep in naked, na tanging panty lang ang suot pang-ibaba pag tulog. Pero pag may kasama naman ako sa condo ko ay nag-la-lock ako ng kwarto o di kaya naman ay nagsu-suot ako ng nightie dress o pajama.

Siguro ay sa init na din kaya ako nag hubad ng gabing iyon, pero yung nag take advantage siya dahil sa pagkalasing ko ay.. ay.. ay—arghh!

Inaway-away ko talaga siya nung araw na iyon at lalo na nung makakita ako ng isang pirasong hickey sa gitna ng dibdib ko kung saan ay nasa makabilang gilid ang malulusog kong bundok. Pakiramdam ko pa noon ay napakalagkit ko.

Patuloy niya akong inaasar habang ako ay pulang-pula sa inis. Tarantadong lalaki iyon! Ginawa pa akong dahilan na kesyo ako daw ang nag-first move, kesyo nang-aakit daw ako. Eh, lasing nga ako nang gabing iyon!

Kahit kailan ay gago siya! Titikman-tikman ang dibdib ko tapos may girlfriend! Babaero talaga ang gagong iyon, hindi makuntento sa iisang putahe. Gusto iba-iba!

Napabuntong-hininga na lang ako habang papalabas ng university. Liliko na sana ako patungong car park kung saan nanduon ang sasakyan ko para maka-uwi sa condo ko. Yun nga lang ay kumalam ang tiyan ko nang makita ang isang estudyante na sa tingin ko ay nasa mid-eight pa lang siya. May hawak-hawak siya na isang baso ng fishball habang kasama ang hindi katandaang babae.

Agad na kumalam ang tiyan at nag crave sa street foods. Mabibilis ang mga hakbang ko patungong Dapitan para lang makabili pa ng fishball o iba pang street foods.

Kapag ganitong oras ay nag-kakandaubusan na ng paninda sa Dapitan dahil halos kabilang university ay dinayo iyong lugar na iyon.

Paano'y mura na nga ang mga paninda, masasarap pa. No wonder na may nag-aaway pa para lang sa isang pirasong street food.

FEARING MISTAKEWhere stories live. Discover now