Chapter 10

34 5 0
                                    

Chapter 10

I just reacted heart to Kuya Mitch's chat nang sabihin niya sa akin na nasundo na niya si Viel. Ang lakas ng loob kong sabihin na tatawagan ko na lang ang pinsan niya e kahit sino sa kanila ay hindi ko alam ang number. Mabuti na lang friend ko sa Facebook si Kuya Mitch at saktong online siya kaya siya na lang ang ichinat ko.

Pagod na pagod pa ako sa biyahe. Plano ko na lang sanang matulog muna pero hindi nangyari 'yon nang katukin ako ni Dale.

"Ate, may bisita tayo. Siya 'yung babaeng kausap ni Mama noong nakaraan."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Dali-dali akong bumaba sa may sala at naabutan kong nakaupo sa roon ang isang babae. I remember her. Siya 'yung babae na bumisita rin dito noong nakaraan. Siya 'yung babae na gustong makausap si Mama. Bakit ba nawala siya sa isip ko?

Kinakabahan man, I still smiled at her. "Magandang hapon po."

"Magandang gabi rin iha. Pasensya na sa biglaang pagbisita. Ngayon lang ako nagkaroon ng oras." Umupo ako sa katapat na upuan niya. "Ako nga pala si Faye. Familiar naman siguro ako sa 'yo, Shantal?"

Tumango ako at hindi ipinahalata ang gulat na alam niya ang pangalan ko. "If you're looking for my Mama again, she's not here po."

"Yes, your brother already told me that. Gusto ko lang malaman kung nasaan ang mama niyo. I need to talk to her about the property of my step-brother, which is your dad." May iniabot siya sa akin na picture. Picture nila 'yon ni Papa na magkasama sa isang restaurant. "This is taken three months ago when I visited my brother to his new restaurant. We talked and he wanted to give me some of his property including this house."

"W-why?" sa dinami-rami ng sinabi niya, iyon lang ang naitanong ko.

I don't know what to feel. All this time, buhay pa pala si Papa at may sarili na siyang restaurant? Bakit hindi siya nagpaparamdam sa aming magkakapatid? Bakit hindi man lang siya tumawag or bumisita kahit sandali? Hindi ako nagtanim ng galit sa kaniya dahil gusto ko munang marinig ang explanation niya kung bakit bigla na lang niya kaming iniwan. Bakit bigla na lang niyang tinalikuran ang responsibility niya bilang Tatay namin? I waited for him come back kahit na paulit-ulit na akong nabigo at kahit ilang beses na rin akong sinabihan ni Mom na hindi na siya babalik. I should've listen to her kasi all this time, I'm just wasting my time. All this time, wala naman pala akong hinihintay. Tapos ngayon ibibigay niya sa kapatid niya ang bahay namin?

She smiled at me. I know how to fake a smile kaya alam ko na peke ang mga ngiti na 'yon. "Simply because wala na siyang paki alam sa inyo. I know masakit marinig 'yon lalo sa 'yo na Papa's girl but that's the truth. I mean why would he? Hiwalay na rin naman sila ng Mama mo."

Gano'n? Ganoon na lang lahat 'yon? Dahil naghiwalay na sila wala na siyang obligasyon sa amin? Tinalikuran na rin niya kami. Ang mature ha. Nakakagago. Pero kahit ganoon ay may parte pa rin sa akin na gustong marinig 'yon mismo kay Papa. Baka nagsisinungaling lang itong kapatid niya. Baka naman sinasabi niya lang ang lahat ng ito dahil gusto niyang makuha ang bahay at lupa namin.

May inilabas siyang envelope at ibinigay sa akin."You know what, ayoko sanang gawin 'to na kayo na ang kakausapin ko regarding this matter but I'm slowly losing my temper. Hindi nagpapakita sa akin ang Mama ninyo."

Napatinggin ako kay Dale. Magkasalubong na ang kilay niya. Nang ibalik ko ang tinggin sa nagpakilalang kapatid ni Papa ay parang hinihintay niya ako. Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko. "Anong kailangan kong gawin?"

"Sign that para hindi ko na kayo guluhin. Para matapos na rin 'to." Mahinahon ang pagkakasabi niya pero ramdam na ramdam ko ang tensyon sa pagitan namin. Tiningnan ko ang nasa loob ng envelope at hindi na ako bata para hindi maintindihan ang mga nakasulat doon. Kasunduan 'yon na mapupunta sa Faye na ito ang mga bahay na ito kapag pumirma ako.

Scars And Stars |✓ (Dela Vega Series #3)Where stories live. Discover now